top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 ang BF, gustong malaman kung kanino mas swak bago mag-asawa

Maestro Honorio Ong
Nov 5, 2019
1 min read

Dear Maestro, Dalawa ang boyfriend ko, gusto ko nang maging stick-to-one. Ayaw ko nang magpaka-playgirl dahil baka magkabukuhan at makarma ako. Kaya gusto kong malaman kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin at mas ka-compatible ko? At kung mag-aasawa na ako, magkakaroon kaya ako ng maligaya at panghabambuhay na pamilya? Ang unang boyfriend ko ay si TM na may birthday na May 5, 1993 at ang ikalawa naman ay si Globe na isinilang noong October 4, 1992. September 14, 1995 ang birthday ko.

Umaasa, Ms. Sun ng Las Piñas City

Dear Ms. Sun, Ayon sa Western Astrology, higit na ka-compatible ng zodiac sign mong Virgo ang Taurus sapagkat ang Taurus at Virgo ay kapwa nagtataglay ng elementong earth o lupa.

Sa Numerology, ang birth date mong 14 o 5 (14 ay 1+4 =5) ay sadyang maganda at paborableng isama sa isa pang numerong 5 ni TM na isinilang noong May 5, 1993 kung saan sa sandaling kayo ay magnegosyo o may nag-abroad sa inyong dalawa kapag kayo ay mag-asawa na, siguradong mabilis na lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa umunlad at yumaman ang itatayo ninyong pamilya.

Dahil dito, mabuti na si TM ang piliin mo dahil sa sandaling kayo ang nagsama at nagkatuluyan, hindi lang habambuhay na magiging maligaya ang inyong pamilya, bagkus, tiyak na magiging mayaman pa kayo at sa inyong pagtanda, pamamasyal sa iba’t ibang bansa ang gagawin ninyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page