Pansin na pansin ng mga netizens, Andrea… Derek panay like sa piktyur ni Angelica sa socmed
Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi napigilan ni Angelica Panganiban na sagutin ang netizen nang mag-post siya ng linya mula sa pelikula niyang That Thing Called Tadhana na pinagtambalan nila ni JM de Guzman years back.
Sa nasabing selfie photo ng Kapamilya actress ay naka-like pa ang ex niyang si Derek Ramsay.
Ani Angge: “Happy Halloween. I’m coming in as myself #HorrorStorySoon #KabahanKaNa.”
Komento ng netizen, “She looks so sad.”
Sagot ni Angelica na kasalukuyan pa ring nasa Rome, “I don’t need tissue!!! Please stop judging meeee!!!”
Ayon sa netizen, ganyan daw talaga ang nangyayari kapag super bitter sa life.
May nakapansin sa pag-like ni Derek. Aniya, kung wala raw ngayong Andrea Tor
res ang aktor ay bibigyan niya ng malisya ang like nito.
Napapansin daw kasi nila na ilang beses nang nagla-like si Derek ng pics ng Kapamilya actress.
“Panay ang like ni ex ng pics ni Angge, eh! Wala lang, observation lang! hahaha!”
“Be sensitive. We don’t know what’s really going on with Angge’s life. What we just see is what she is showing us. Be compassionate naman. Kaya maraming may depression kasi we always judge.”
“Eh, ano naman kung forever alone si Angge?”
“My goodness! Ang serious n’yo naman. She was just repeating her lines movie. Look at the emoji...it means that she’s joking or just being silly. In other words, she’s happy which was the opposite of what the commenter was alluding too.”
Oo nga naman, inulit lang ni Angelica ang isa niyang linya sa TTCD, nabigyan na agad ng ibang meaning ng mga may malisyosong pag-iisip, huh!





Comments