top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga toxic na tao, dapat layuan para gumanda ang buhay

Sr. Socrates Magnus II
Nov 4, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ang mga kaalaman para mapaganda ang buhay sa pagtatapos ng taon.

Ganito ang sabi ni Mr. Agustine “Og” Mandino sa kanyang aklat na “The Greatest Salesman”, “Kumilos ka na parang huling araw mo na. At kung sakaling may bukas ka pa, magpasalamat ka habang binibilang mo ang mga pakinabang na sumaiyo.”

Magandang isabuhay ang aral ni Mr. Mandino. Kung iisipin mo, iisa lang ang magiging resulta na ikaw ay aabante nang husto.

Bukod sa napakagandang pormula ng tagumpay na nabanggit, narito pa ang ilan sa kakaibang bagay na dapat mong masunod:

1. Linisin mo ang iyong altar at ang mga banal na imahen. Maglagay ka ng mga bulaklak at kapag nalanta na ang mga ito, palitan mo ng bago.

2. Maglinis ka rin sa silid at tirahan mo. Habang naglilinis ka, ilagay mo sa isipan mo na dapat ding malinis ang iyong pag-katao at hangarin sa buhay.

3. Linisin mo rin ang mga kilos mo na nagsasabing, kapag wala namang kinalaman sa pagtupad ng iyong mga pangarap ay huwag mo nang gawin.

4. Linisin mo ang hanay ng iyong mga kaibigan, lalo na ang mga nakakasama mo araw-araw at ang mga minsan mong nakakasama.

Ibasura mo ang mga tinatawag na toxic friends, sila ang may masamang impluwensiya sa iyo, tamad, walang pangarap, maraming bisyo, negatibo, palaangal, paladaing at iyakin.

5. Wala kang mapapala sa kanila dahil sila ay parang sakit na nakakahawa. Gayundin, baka mahawa ka sa kanila at ang masama pa ay walang gamot sa taong toxic.

6. Dumikit ka sa taong kilala mo na umasenso dahil siguradong aasenso ka rin.

7. Dumikit ka sa taong nagpupursigi na matupad ang kanyang mga pangarap para mahawa ka at maabot mo rin ang iyong mga pangarap.

8. Dumikit ka sa mga taong may sense ang sinasabi tulad ng kakaibang pormula ng tagumpay dahil malaki ang matututunan mo sa kanila.

9. Huwag mong kalilimutan na manalangin araw-araw, mula umaga hanggang gabi at sa mga panahong hindi ka busy.

Ang mga ito ay simple at madaling isabuhay. Gawin mo na ngayon dahil kahit patapos na ang taon, maaaring magdagsaan sa buhay mo ang napakaraming magagandang kapalaran.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page