Mag-asawang yayaman kung pagkain o paninda ang gagawing negosyo
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Maestro, parehong straight line ang Head Line namin ng misis ko at sabi n'yo, kapag straight ang Head Line ay yumayaman.
44 years old na ako, may apat na anak at pangkaraniwang empleyado sa isang government agency habang supervisor naman ang misis ko sa isang department store, pero bakit hindi pa rin kami yumayaman?
May pag-asa pa ba kaming yumaman at kung oo, sa paanong paraan?
Kasagutan
Tunay ngang kapag straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) o tuwid ang guhit sa kaliwa at kanang palad, ito ay nagbabadya ng ugaling masinop sa kabuhayan, materyoso at praktikal kung saan kailangan ding makita ang iyong palad o masalat kung ito ay malaman, matambok o may enerhiya kapag sinalat.
Ang pagiging malaman matambok ng palad ng tao kapag sinalat ay isa ring sukatan ng enerhiya o lakas kung ang iyong mga pangarap at iniisip sa buhay ay iyong maikikilos o maisasakatuparan.
Kaya kung malaman, matambok, may lakas o tumatalbug-talbog kapag sinalat ang iyong kaliwa at kanang palad, tiyak ang magaganap, ituloy mo ang lahat ng iyong ginagawa sa kasalukuyan at makakamit n'yong mag-asawa ang pag-unlad hanggang sa tuluyang yumaman ang inyong pamilya.
Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Roy, kung straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) ang kaliwa at kanang palad ninyo ni misis at matambok, tumatalbog kapag sinalat at malaman, walang duda dahil sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa pagkain at paninda, partikular na sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, sa taong 2028 sa edad mong 53 pataas ay magsisimula na kayong umunlad hanggang sa lumago ang iyong negosyo at tuluyan na ring hahantong sa tiyak na pagyaman ng inyong pamilya.




Comments