Horoscope | Nobyembre 4, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 4, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 4, 2019 (Lunes): Lubusang katuparan ng mga pangarap ang ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na guguhit sa iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy ang pag-asenso mo kahit may mga pinagdaraanan kang mga personal na problema. Panatilihin mo ang iyong pang-unawa at ang kababaang-loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-24-36-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisilip sa iyo ang malaking suwerte kapag nakita kang mapagpatawad sa mga nagkakamali sa iyo, kasimbilis ng kidlat na ito ay guguhit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-25-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit kailan, hindi maganda ang nagdadalawang-isip dahil ang pag-aalinlangan ay sagabal sa pag-unlad. Samantala, ang positibong pananaw ay nagbubunga ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-24-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Papaboran ka ng langit. Ibig sabihin, kung ano ang gusto mo ay kukunsintehin ka. Ang payo para sa iyo ay gustuhin mo ang mabilis na pagyaman mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-22-24-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad dahil ang masama ay ang walang pangarap. Bakit mo pakikinggan ang payo na hindi dapat maging mapaghangad ang tao? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-25-32-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatamad ang malamig na simoy ng hangin. Kailangan mo pa ring kumilos dahil ang magagandang bagay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-25-27-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang piliin mo. Bakit mo pupuwersahin ang sarili mo sa ayaw ng mga mata mo? Ang opinyon ng kapwa mo ay para sa kanila at hindi para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-12-26-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Babala ang hatol ng langit sa mga mapanghusga na palaging nakikita ang buhay mo. Tatanggapin nila ang parusa sa banal na utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-22-29-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumain ka! Bakit ka magdidiyeta? Kailangan mo ang lakas, sigla at talas ng isip dahil napakaraming magagandang oportunidad na nag-aabang sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-12-24-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lilitaw ang bulalakaw sa langit at ikaw ay hahanapin. Kikislap ang buhay mo dahil sa mga biglaang suwerte na mapasasaiyo. Marami ang maiinggit sa iyo. Mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-23-30-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong akalain na kinakapos ka sa suwerte. Ang totoo, anumang sandali ay uulanin ka ng magagandang kapalaran. Iwasan mo ang yabang at pagiging galante. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-22-25-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kikilos ang iyong kapalaran kahit wala kang gawin. Mapapalapit ka sa suwerte kahit hindi ka maghirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-25-27-34.




Comments