Ano ba talaga ang meron ka? ni: Lauren Librada

Ito na naman ako.
Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo.
Buong araw na akong ganito, hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo?
Ibang klase talaga kapag tinamaan
Sino ba talaga ang may kagagawan?
Para akong sago habang ikaw naman ay gulaman.
Dalawang bagay na magkaiba, ngunit, swak kapag pinagsama
Pero saglit, teka, taympers, ako’y naguguluhan.
Ano ba talaga ang mayroon sa iyo, babaeng nilalang?
Puso ko’y nabihag mo nang walang pakundangan.
Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan.
Ang iyong ngiti ay walang kapares,
mga tingin na sobrang tamis, makasama ka lang ay parang nasa alapaap na tunay ngang hindi makalilimutang tumawa.
Kung mabasa mo man ito, ito ang sasabihin ko sa iyo:
Gagawin ang lahat para lungkot mo’y mapawi,
dahil ang tanging gusto ko lamang ay makita ang ngiti sa iyong mga labi.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments