top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Anak mo, Sharon, bitter pa rin sa ex-BF… Hirit ni Kc: Ang kape, parang relasyon, 'di dapat paba

  • Janice DS Navida
  • Nov 4, 2019
  • 1 min read

Mukhang nasa healing at moving on period pa rin si KC Concepcion matapos ang hiwa­layan nila ng last boyfriend niyang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

‘Yan ay kung pagbabasehan ang kanyang Instagram post ng isang cup of coffee kung saan mababasa sa caption ang ‘hugot’ ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Sabi kasi ni KC sa kanyang caption: “Ang kape daw, parang career o relationships, ‘di dapat paba­ba­yaan para hindi lumamig. Wow!!! Coffee time!”

Napaisip tuloy kami kung ang ex-BF ba ni KC ang nagpabaya sa relationship nila kaya lumamig ito at nauwi nga sa hiwalayan.

Minsan kasi, kahit anong pag-aalaga pa ang gawin ng babae (may kasabihan na ang babae talaga ang nagdadala sa relasyon, right?), kung hindi rin naman pahahalagahan ng partner niya ay wala rin tala­gang kapupuntahan ang relas­yon.

Kaya nga relasyon, dapat it’s a connection between two people at hindi puwedeng one-way lang!

Relate ba ang mga brokenhearted d’yan?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page