top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Tiket sa SEAG opening, paubos na General Admission ang natira

  • A. Servinio
  • Nov 3, 2019
  • 1 min read

Photo: smtickets.net

Parami ng parami ang mga pribadong kompanya na nag-aalay ng kanilang tulong para sa isang matagumpay na 30th Southeast Asian Games sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Kamakailan ay naglagda ng pormal na kasunduan ang mga ito sa harap ni Philippine Southeast Asian Games Organzing Committee (PHISGOC) Chairman Speaker Alan Peter S. Cayetano at mga Chef de Mission ng 11 kalahok na bansa.

“Thank you very much for your investment in the Filipino people,” wika ni Speaker Cayetano matapos ang payak na seremonya sa Quest Hotel.“With 56 events, this promises to be the most viewed and biggest SEA Games and it is not an easy thing to do.”

Pinangungunahan ang mga bagong pasok na katulong ng Phoenix Fuels at FamilyMart na mga Platinum Sponsors.

Nandiyan din ang Metro Pacific Tollways na namamahala ng North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway na mahalaga dahil marami sa mga palaro ay gaganapin sa Gitnang Luzon. Si Speaker Cayetano mismo ang lumagda sa mga kasunduan saksi si Ramon Suzara na Chief Operating Officer ng PHISGOC.

Samantala, masayang binalita ni Suzara na paubos na ang mga tiket para sa pormal na pagbubukas ng 30th SEAG sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. May ilan pang nalalabi na tiket sa General Admission at iba pang mga upuan sa taas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page