Madir na si Inday, gusto raw sapakin… Claudine kay Marjorie: 'Yan ba ang good daughter?!
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @claubarretto (left)/ @marjbarretto (right)
Tahimik na ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto kung titingnan ang kani-kanilang socmed account nitong mga nakaraang araw. Pero, may lumabas na namang bagong video at malamang ay maging dahilan ito ng Barretto sisters scandal Part 2.
Sa video posted sa Instagram account ng may username na Bashing.shing, makikita si Marjorie Barretto na panay ang salita. Kuha ito sa hospital at kapansin-pansin ang tensiyon sa kilos niya. Hindi maayos ang pagkakakuha sa video kaya hindi rin mamukhaan kung sino ang mga kausap niya, pero dinig na dinig ang sinabi niyang “Super drama to death si ano… Inday” at ang sagot ng kausap niyang babae (na sa tingin namin ay si Dani Barretto), “What happened?”
“Masyadong dramatic. Baka masapak ko,” ang mabilis na sagot ni Marj.
Hindi na maintindihan ang iba pang sinabi ni Marjorie, pero may narinig pa kaming “Sapakin mo na para sa ‘kin.”
Maraming netizens ang nag-isip na baka ang madir nila na si Mommy Inday Barretto ang tinutukoy ni Marjorie. Nakakaintriga rin ang caption ni Bashing.shing na “GRABEEEEEEEE!!!!!!! Ang “inday” ba na tinutukoy ay si Mommy Inday??? Grabeeee, sasapakin? @gretchenbarretto @estrellabarretto @claubarretto @juliabarretto @barrettoestrella @marjbarretto.”
Umani agad ito ng napakaraming komento ng mga netizens tulad ng…
“Protektahan mo ang Lola Inday n’yo sa mapagpanggap mong tita at mga pinsan, ‘wag kang pumayag na binibilog lang ang ulo n’yo.. ‘Di porke’t nagho-host sa bahay nila ay mabait na si Tita Marjorie mo.. @pocholobarretto”
“At sino namang Inday ‘yan, alangang maid n’yo? Was she so important to you?”
“So your dad already passed away here, but look at your face, so happy right?”
“Hay, naku! Ikaw na talaga! Muntik na ‘kong maniwala sa interview mo.”
Sabi naman ng isang netizen, baka raw si Claudine Barretto ang tinutukoy ni Marjorie na “Inday” dahil matatandaang nagkagulo rin sila na nauwi pa sa pisikalan sa mismong wake ng Daddy Mike Barretto nila, kung saan nabalitang isa ang anak ni Marj na si Julia Barretto sa mga nakigulo at nangmura pa kay Clau.
Sabi ng may username na Thina100381, “Baka si Claudine ‘yung Inday na tinutukoy kasi pinapasapak n’ya rin kay Dani.”
Tsinek namin ito sa IG account ni Gretchen dahil ayon kay Bashing.shing, ang source niya ay si La Greta, pero wala kaming nakita sa mismong IG wall or story ng aktres. Nang muli naming tingnan ang comments section ng mismong post ni Bashing.shing, nakakagulat ang nakita naming comment ni Gretchen na “Yes. This video was sent to via direct message” na as of this writing ay 9 hrs. ago.
Nakakalungkot na hindi pa rin pala tumitigil si La Greta at patuloy pa rin siyang nagkakalat ng videos sa social media.
Though walang bagong posts si Gretchen, ipinost naman ni Claudine sa IG niya ang nasabing video at nilagyan niya ng caption na: “Wow, that’s what you call a GOOD DAUGHTER? I will always be a REAL GOOD DAUGHTER!”





Comments