Ilong, baba, pisngi at bibig, hirap nang igalaw… Nadine, 'di na makilala ng fans sa sobrang reto
- Janice DS Navida
- Nov 3, 2019
- 1 min read

Photo: TWBA
Gandang-ganda ang maraming netizens kay Nadine Lustre sa recent guesting niya sa Tonight with Boy Abunda. Ang laki-laki na raw talaga ng ipinagbago ng hitsura ni Nadine mula nang mag-umpisa ang love team nila ni James Reid sa movie at halos hindi na nga raw nila ito makilala.
Pero kasabay ng pagpuri nila kay Nadine ang mga punang ang dami na raw ipinaretoke ng GF ni James — mula sa ilong na obyus daw na pinatapyasan, pangang pinabawasan kaya naging V-shaped na ngayon ang baba niya na dating bilugan, pisnging pinabawasan ng umbok at lips na ipina-pout kaya ka-look-alike na raw siya ni Arianna Grande at kung magsalita naman ay parang Heart Evangelista na hindi gumagalaw ang bibig.
But in fairness kay Nadine, kung may mga ipina-enhance man siya, bumagay naman sa kanya.
At saka, teka lang, ‘no, care ba ng iba, eh, hindi naman nila pera ang ginastos ni Nadine?!





Comments