Horoscope | Nobyembre 3, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Nov 3, 2019
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 3, 2019 (Linggo): Itinalaga ka ng langit para manguna. Kung mapunta ka sa ikalawa, mahiwagang kikilos ang iyong kapalaran at ilalagay ka sa unahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit maraming problema, piliin mo pa rin ang magsaya. Dahil sa panahong ikaw ay masaya, magdaratingan sa buhay mo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-11-18-20-21-25.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahiwaga ang buhay sa mundo kung saan kapag may mahiyain at hindi mahilig sa pakikipagsosyalan, sila ang pinagkakaguluhan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-16-23-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Kambal-kambal ang pagdating ng mga suwerte mo. Noon pa man, nararanasan mo na ang nakatutuwang pangyayaring ito sa buhay mo. Muli itong mauulit ngayong araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-21-23-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong mga titig ngayon. Sinuman ang matitigan mo nang mata sa mata, maaalipin mo at susunod sa mga kagusutuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-26-39-42-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang matakot na umatras kapag nahihirapan ka. Muli kang sumugod kapag lumakas ka. Sa ganitong paraan, ang mga kagustuhan mo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-21-25-26-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi dapat sumama ang loob mo kapag may nawala sa iyo. Ang langit ang nakaaalam kung ano at sino ang makabubuti para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-18-22-27-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang masiyahan kapag maganda na ang iyong buhay dahil ikaw ang taong may igaganda pa ang kapalaran hanggang sa gusto mo pang pagandahin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-24-28-30-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isabuhay mo ang mga natutunan mo sa iyong mga karanasan. Ngayon ang tamang panahon para makinabang ka sa mga gintong aral na iyong natutunan sa pagdaan ng panahon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-27-30-41-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lubusang katuparan ng mga pangarap ang ibinabalita sa iyo ng iyong kapalaran na nagsisimula nang magkaroon ng linaw. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-21-24-26-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa sa iyo na at huwag kang tumulad sa iba na ang hawak na ay inuubos sa walang kuwentang mga aktibidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-16-24-26-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-uumapaw ang iyong kagalakan dahil ngayon pa lang ay makatatanggap ka na ng mga regalo mula sa langit. Magsaya ka at ang saya ay ibahagi mo sa mga malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-29-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa malalakas ang loob at lalakas din ang loob mo, gayundin, ang mga gusto mo sa buhay ay makukuha mo kung saan sa totoo lang, mabilis at parang hindi ka nahihirapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-28-38.




Comments