Todo-enjoy lang pero 'di pa raw feel… Sigaw ni Nadine: Malayo pa kaming magka-baby ni James
- Ronalyn Seminiano
- Nov 2, 2019
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nagsalita na si Nadine Lustre tungkol sa sunud-sunod na patutsada ng daddy niya na si Ulysses Lustre sa social media kamakailan na talagang umani ng napakaraming pambabatikos mula sa mga netizens, lalo na sa mga fans ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.
Inisip kasi ng mga fans ni Kathryn na ang aktres ang pinatatamaan ng ama ni Nadine matapos itong mag-post ng “I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”
Ang movie kasi ni Kathryn with Alden Richards na Hello, Love, Goodbye ang nagkamit ng record-breaking highest-grossing movie kaya hindi napigilan ng mga fans ng GF ni Daniel Padilla na kondenahin ang ama ni Nadine dahil dito.
After ng post na ‘yun ni Mr. Lustre, todo-todo ang paglilinaw niya na wala siyang partikular na tinutukoy at personal na opinyon lang daw niya ito.
In-interview ni Tito Boy Abunda si Nadine sa Tonight with Boy Abunda noong Oct. 31 kung saan naungkat ang nangyaring issue tungkol sa post ng kanyang ama.
Sabi ni Tito Boy, “One time, your dad posted some cryptic posts on Facebook. What do you want to say?”
Paliwanag ni Nadine, “Nu’ng nangyari kasi ‘yun, I was off social media, kasi nga I’m taking a break, eh, so…I saw that, I think, after more than a week, we talked about it. Pero before he did this, I haven’t talked to him about anything.”
Samantala, nag-sorry naman ang aktres sa mga na-offend sa nasabing posts ng kanyang ama.
Aniya, “I’m not my dad, so I don’t... we don’t have the same brain, you know. We don’t think alike.
“Kung sino man ‘yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin. But I talked to him about it and I told him na that wasn’t right.”
Sinabi ni Nadine na maayos nilang napag-usapan ng kanyang ama ang tungkol sa FB posts nito.
“We talked about it na, wala namang hindi maayos sa magandang pag-uusap, Tito Boy.”
Tinanong din naman ni Tito Boy si Nadine tungkol sa past interview nito with her BF James Reid.
Sabi ni Tito Boy, natanong niya noon si James kung gusto na raw ba niya na magkaroon ng sariling pamilya at ang sagot daw ng aktor ay “I don’t know…”
Ani Tito Boy, “He (James) said he’s not keen at having babies.” At ang mabilis na tanong niya kay Nadine, “Do you agree? I mean, what do you have to say?”
Nagulat ang aktres sa sinabi ni Tito Boy.
“Ay, I agree. Nagulat ako, Tito Boy, kasi uhmm… well, for one, I’m still, we’re still both so young. Parang wala pa ‘ko sa ganu’ng ano, wala pa ‘ko sa ganu’ng headspace. Malayo pa ‘yun. Matagal na matagal pa ‘yun.
“But I think I know the reason why he said he’s not sure. Ako rin. I agree with him kasi ngayon, medyo marami nang nangyayari sa mundo natin na hindi tayo sure, you know, like a lot of stuff is happening. Alam mo na ‘yun, Tito Boy!”
Katulad ni James, hindi pa rin daw handa si Nadine para sa pagpapamilya dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay.
Naitanong naman ni Tito Boy if ever na bigla silang magkaroon ng baby, sa tingin daw ba ni Nadine ay magiging good father ba si James?
Sagot ni Nads, “Yeah. All the things na sinasabi niya sa akin about life in general, I learned so much from him, like so much talaga.”








Comments