Maritoni, atat nang maging lola… Lexi, nagsalita na sa kumalat na buntis kaya nawala sa showbiz
- Julie Bonifacio
- Nov 2, 2019
- 2 min read

Pregnant?! Oh, my God!” bulalas ni Lexi Fernandez when we asked her if this is the reason kaya siya biglang nawala sa showbiz.
Nakatsikahan namin si Lexi sa welcome dinner party para sa international Fil-Am YouTube sensation na si SnewJ na anak ng dating movie star na si Vilma Vitug-Jennings na ginanap sa The Penthouse, 22nd floor ng BA Lepanto Building sa Paseo de Roxas, Makati City kamakailan.
Itinanggi ng dating Kapuso star ang tsika na nagdalantao siya kaya biglang nawala sa showbiz.
Si Lexi ay anak ng artistang si Maritoni Fernandez at nakalabas sa mga teleserye ng GMA-7.
“Let them believe what they want,” sabi ni Lexi sa amin.
Hindi naman natiis ni Maritoni na magsalita habang katsika namin ang kanyang anak sa party.
“Wait! Eh, di may apo na sana ako? I’ll be the first one to be happy,” seryosong sabi ni Maritoni.
Gusto na raw kasi niyang magkaroon ng apo kay Lexi.
“Hindi totoo ang balita. Of course, not! But you know what? I would be so proud as a lola,” say pa ni Maritoni.
Going back to Lexi, kinlaro niya na wala siyang anak. Pero may boyfriend daw siya for six years, si Paolo Garci.
Sa kabila ng anim na taon na pagsasama nila, wala pa raw siyang plano na mag-asawa. Hindi pa raw niya priority ang pag-aasawa.
After she finished her course na Child Education sa University of Asia & the Pacific, magte-take naman daw siya ng master’s degree sa Melbourne, Australia.
Hindi naman niya masabi kung type pa niyang bumalik sa showbiz after her master’s degree.
Anyway, second cousin ni Lexi ang famous YouTube sensation na si SnewJ.
“Whenever we’re in America, we get together. But it’s nothing public or anything ‘coz I just know him as Kuya Sam. I’m very proud of him. I’m happy for him,” lahad pa ni Lexi.





Comments