top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

GM So, konti na lang champ na sa FIDE Fischer World

Eddie M. Paez, Jr.
Nov 2, 2019
2 min read

Dalawang araw na lang ang layo ng dating hari ng ahedres sa Pilipinas na si Grandmaster Wesley So para maging isang world champion matapos nitong kaldagin si Norwegian GM Magnus Carlsen sa unang araw ng kanilang bakbakan para sa trono ng 2019 FIDE Fischer Random World Chess Championship sa Hovikodden, Norway.

Sa pag-arangkada ng unang araw ng duwelo, nauwi sa hatian ng puntos ang unang “slow rapid game” kontra kay Carlsen kung saan puting piyesa ang tangan ng tubong Cavite na chesser.

Pero sa pangalawang “slow rapid game”, kahit na nasa “itim” na kampo si So, nakasikwat siya ng tagumpay kontra sa pambato ng punong-abala na si Carlsen.

Sa pagsisimula ng day 2 ng championship series, bitbit na ni So ang 4.5-1.5 na kalamangan sa Norwegian na kasalukuyang pinakamalupit na woodpusher sa larangan ng standard chess, rapid chess at blitz chess sa buong daigdig.

Kapag nangibabaw sa serye si So, siya ang tatanghaling pinakaunang official World Fischer Random Chess Champion matapos na makuha ng mga organizers ang world governing body na FIDE.

Ang random chess ay isang uri ng mabilisang ahedres kung saan hindi malalaman ng mga manlalaro ang magiging puwesto ng rook, knight, bishop, queen at king hanggang sa ilang minuto na lang bago magsimula ang isang laro.

Dahil dito, halos walang paghahandang magagawa ang mga chessers.

Tinatawag din itong 960 chess dahil mayroong 960 na posibilidad na kumbinasyon ng mga piyesa ang puwedeng bumulaga sa manlalaro.

At siyempre pa, ang bansag na Fischer chess ay nanggaling naman sa may konsepto ng laro na si dating world champion Bobby Fischer ng USA.

Nakarating sa finals si So matapos na daigin sina Russian aces GM Ian Nepomniatchi, GM Peter Svidler at GM Vladimir Fedoseev.

Samantala, hinablot nina GM John Paul Gomez at IM Haridas Pascua ang unang dalawang puwesto nang magsara ang 2019 Pattaya Chess Open Tournament sa Thailand.

Isa pang Pinoy, si GM Buenaventura Villamayor na nakatira na sa Singapore.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page