top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Duda sa kamag-anak na may-ari ng recruitment agency, takot mag-abroad dahil baka maloko lang

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 2, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Nag-a-apply ako ngayon abroad, pero hindi ako sigurado kung makaaalis ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.

  2. Pakisuri ang aking palad dahil kinakabahan ako na baka mabiktima ako ng illegal recruiter kahit kamag-anak namin ‘yung may-ari ng agency, lalo na at malaking pera na ang napakawalan ko.

  3. Sa palagay ninyo, Maestro, makakaalis kaya ako at magiging maganda kaya ang buhay ko sa Israel bilang caregiver?

Kasagutan

  1. Walang problema sa iyong kagustuhang mag-abroad sapagkat may malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na tanda na sa takdang panahon, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan na madaling kinumpirma ng iyong lagda na bukod sa mahaba, tuluy-tuloy na gumuhit nang hindi nalagot o napatid ang mga dugtungan.

  2. Dagdag pa rito, ang iyong lagda ay umangat din na tila lumilipad sa langit. Ito ay malinaw na tanda na ngayon pa lang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang posibleng maganap sa hinaharap tulad ng nabanggit na mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.

  3. Habang ang zodiac sign mong Capricorn ay nagsasabing, susuwertehin kang makaalis na kung hindi sa Abril ay maaaring sa Mayo ng 2020.

Mga Dapat Gawin

  1. Sa pag-a-apply abroad, hindi maiiwasang may minamalas at may sinusuwerte. At kung halimbawang matuloy ka sa pag-a-abroad, ang nakalulungkot ay walang kasiguraduhan kung ano ang magiging buhay mo sa bansang pupuntahan mo.

  2. Ito ang kahalagahan kung bakit dapat ipasuri ang kaliwa at kanang palad, partikular sa Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) upang ang mga pagsusuring ito ay maging gabay sa pakikipagsapalaran sa ibayong-dagat kung ito ay magiging mabunga o hindi.

  3. Samantala, ayon sa iyong mga datos, Annalyn, tiyak ang magaganap, hindi ka dapat kabahan at mag-aalala dahil nakatakda sa iyong kapalaran ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na nakatakdang mangyari sa 2020, sa buwan ng Abril o Mayo at sa edad mong 28 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page