Katawan lang ang nawala... Mga patay, may kalayaan pa ring manili
- Sr. Socrates Magnus II
- Nov 1, 2019
- 2 min read
Ipagpatuloy natin ang mga kaalaman tungkol sa All Saints Day.
Noong nakaraan, ibinahagi natin na ang mga kaluluwa ng tao ay buhay na tugma sa kaalaman ng marami kung saan buhay pa ang kaluluwa ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ngayon ay ibahagi natin ang banal na katuruan ng lahat ng Kristiyano tungkol sa kung nasaan ang mga namatay at sila ba ay may kakayahan pang makaunawa o may free will tulad nang sila ay nasa lupa pa.
Naitala sa kasaysayan ng Christianity na ang Apostles Creed ay sinasang-ayunan ng grupo na pinamunuan ni Martin Luther na may paniniwalang Lutheranism.
Kahit ang Anglicanism, Presbyterians, Moravians at Methodists ay sumasang-ayon sa Apostles Creed.
Kaya ang mga tunay na protestante ay dapat maniwala rin sa nilalaman ng Apostles Creed.
May iba na ayaw tanggapin ito at sila ay masasabing lumalabag sa paniniwala ng mga tunay na protestante.
Muli, noon pa man ay sinasang-ayunan na ng lahat ang mga sinasabi sa Apostles Creed. Ano ang sinasabi rito?
Ang nakagugulat na katotohanan ay si Jesus ay nanaog sa mga patay, ibig sabihin, may importansiya ang mga patay sa puso ni Lord. Ano naman kaya ang ginawa ni Lord sa kung nasaan ang mga patay? Ang isa pang nakagugulat ay si Jesus ay nangaral din sa mga patay.
Oo, ‘yan ang letra-por-letra na sinabi ng Apostles Creed. Kaya ang patay ay buhay dahil nakatatanggap pa rin sila ng mga aral.
Kaya ang sabi sa Bible ay “Maging ang mga kaluluwa ng patay ay nakatanggap din ng Ebanghelyo mula kay Lord Jesus Christ.
Ang totoo nga, si Lord ay tinawag na Panginoon ng mga buhay at patay.”
“Nangaral”, ibig sabihin, may puwedeng hindi maniwala sa mga aral na narinig nila at may mga puwede ring maniwala, ito ang katotohanan na nakapaloob sa free will kung saan marami ang nagsasabi na ang tao ay meron nito, buhay man siya o patay na.
Ikaw, naniniwala ka ba sa free will? Sumasang-ayon ka ba na ang mga patay ay buhay at nakatatanggap pa ng mga aral?
Gamitin mo ang free will mo dahil puwede kang maniwala o hindi.
Hindi ka pinipilit na maniwala sa mga katotohanang nababasa mo.
Nasa iyo ang huling pasya. Are you willing to believe in the Apostles Creed? You may use your free will.
Good luck and God bless!
(Itutuloy)




Comments