top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Basilan, Bulacan, Nueva Ecija nagwagi bago ang MPBL break

MC
Nov 1, 2019
1 min read

Napanatili ng Basilan Steel at Bulacan Kuyas ang lakas sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season nang manaig sa lower rated opponents noong Miyerkules ng gabi sa Bulacan Capitol Gym sa Malolos.

Pinalakas nina Jhaps Bautista, Jay Collado at Gabriel Dagangon, pinitpit ng Steel ang Quezon City Capitals, 86-78, habang si Lester Alvarez ay sumalpak ng dalawang free throws sa huling 6 segundo upang matiyak ang panalo ng Kuya’s kontra Marikina Shoemasters, 81-79.

Parehong ang Steel ay may hawak na 12-8 record sa South division habang tangan ng Kuyas ang 12-7 slate sa North division mula sa tatlong sunod na panalo sa 31-team league na itinatag ni Senador Manny Pacquiao at Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Binigo ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Bacolod Master’s Sardines , 82-76, upang buhayin ang pag-asa nila sa playoffs sa North division.

Umiskor sina Crack guards Jai Reyes at James Martinez ng 21 at 19 nang pumoste ang Nueva Ecija ng ikatlong panalo sa huling apat na laro para sumampa sa 5-13 overall nanatiling nasa likod ng Bacolod, 6-12. Bumanat si Bautista ng 17 points, may 13 si Jay Collado at si Gab Dagangon ay may 13 at 9 rebounds para sa Jumbo Plastics na sumalo sa 5th place na Zamboanga Sardines.

Ang free throws ni Alvarez ang nakaligtas sa Bulacan, 81-77, matapos ang pagdikit ng Shoemasters sa 77-79 sa kabila ng 7 puntos na kalamangan ng Kuyas. Magkakaroon ng 5 araw na break ang MPBL at magbabalik sa Nob. 5 sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page