Tulad ng sakit ni Vice na nakakalbo… Kelly day, na-depressed dahil sa alopecia

May matinding pinagdaraanan ang beauty queen na si Kelly Day noong bago pa siya sumabak nang husto sa showbiz. Nagkaroon siya ng sakit na alopecia (falling hair) tulad din ni Vice Ganda. Nakaranas siya ng depression at insecurity nang unti-unting naglagas ang kanyang buhok. Pero hindi siya basta sumuko at nawalan ng pag-asa.
Kumonsulta siya sa mga espesyalista at naagapan/nagamot naman ang kanyang alopecia kaya isine-share niya sa lahat ang kanyang pinagdaanan upang kahit papaano ay makapagbigay ng moral support sa mga taong may alopecia.





Comments