top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-selfie pa, wala raw kaalam-alam… Angelica, lumabag sa batas sa Spain, sinita ng mga pulis

  • Beth Gelena
  • Oct 31, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo : @iamangelicap

Sa socmed ni Angelica Pa­nganiban, ibinahagi niya kung bakit siya sinita ng pulis sa Spain. Nasa lugar na ‘yun ang ak­tres para mag-unwind.

Sa isang scenic spot na ipinag­mamalaki ng nasabing bansa ay umupo si Angelica sa Spanish Steps ng Palazzo Di Bologna sa Roma.

Ibinahagi ni Angelica ang nasabing lugar at nilagyan ng caption: “For almost 24 years, I have been in front of the audience. Naram­daman ko kung papaano mahus­gahan. Papaano panoorin ang bawat galaw mo. Papaano mag­salita, lumaban para sa sarili mo. Sa pag-upo ko sa Spanish Steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo rito. Sorry na po mga pulis… at least nakaisa.”

Ang mga concerned netizens ay nagsasabing siguro raw ay nagandahan ang pulis sa Kapa­milya actress kaya siya sinita. Dati naman daw kasi ay hindi bawal umupo sa Spanish Steps.

Sagot ng actress, “Nope sinisita nila lahat. Kahit sa trevi, bawal na umupo.”

Isang netizen na nagsabing bagong rule raw ‘yun ng bansa. “Bago lang kasi ‘yang rule na ‘yan. Buti nga ‘di ka pinagmulta.”

Ang paliwanag naman ng isang netizen, ‘di raw kasi punahin ang nasabing Spanish Steps ng mga turista kaya nagiging tambayan na mostly ng mga kapwa Pinoy.

“Bago lang siyang rule, since most of the time ‘di na siya madaanan (na main purpose nu’ng hagdan. Ginawa nang tambayan, sadly karamihan, mga kababayan natin). So, nagkaroon na ng ordinance na bawal na para ma-appreciate ng tourists ang grandeur at hindi tambayan at iwanan ng basura.”

“Ignorance of the law excuses no one. Except if it’s a new ordinance not known to many specially tourists. Signages should be visible and present for people who are not from there to know.”

Kaya rin daw naglagay ng rule ang nasabing bansa ay dahil nagiging pugad ng mga mandurukot ang nasabing area.

Anyway, happy naman si Angge dahil bago siya nasita ng pulis na bawal palang umupo sa Spanish Steps ay nakapag-selfie na siya at naibahagi na sa socmed.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page