Horoscope | Oktubre 31, 2019 (Huwebes)

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2019 (Huwebes): Huwag mong tanggihan ang pagtatalaga sa iyo sa matataas na posisyon dahil ikaw ay isinilang para mamahala at mangasiwa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang idinidikta ng isip mo kahit masasaktan ang kalooban ng ilan. Sa huli, mauunawaan din nila na ang pasya mo ay para sa ikabubuti ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-17-22-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran at huwag mo itong atrasan. Nakaharap mo na nang mukhaan ang kabiguan noon kaya walang dahilan para matakot ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-20-37-40-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon, ikaw na iwas nang iwas at parang nagtatago ay tatawagin at ilalagay ka sa harapan kung saan ang ibig sabihin ay malalantad ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-29-33-38-43-46.
CANCER (June 21-July 22) - Narinig mo na ba ang pormula ng tagumpay na nagsasabing, mabuhay ka na parang ngayon na ang iyong huling araw? Bukas pagkagising mo, sobrang dami na ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-20-25-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo ito at alam mo na kapag natatalbusan ang halaman, mas lumalago. Ngayon, mamigay ka kahit malayo pa ang kapaskuhan nang sa gayun ay mabilis na gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-25-36-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinihintay ka na ng iyong mga tagumpay. Kumilos ka nang tugma sa iyong pangarap. Bawat kilos mo ay dapat nakatutok sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagamit mo ang iyong kakaibang ganda, pero gamitin mo ito sa pag-iipon. Iwasan mong gamitin ito sa mga walang kuwentang bagay at isa pang paalala, huwag kang magpapagamit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-23-39-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa ang mga gawain, maganda pa rin na kumuha ka ng makatutulong sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi ka masosobrahan sa trabaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-29-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magiging masigasig ka at huwag mong kalilimutan na dapat ay alerto ka sa anumang pagbabago sa mga kaganapan upang hindi ka masorpresa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-17-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inihahanda na ng langit ang maagang mga regalo para sa iyo. Ibig sabihin, kahit malayo pa ang Pasko, pagkakalooban ka ng mga biyaya at pagpapala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-9-11-15-17-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya ang buhay mo, pero mas pasasayahin pa ito ng langit. Alam mo ba kung bakit? Dahil kapag masaya ka, marami ang sumasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-21-23-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang maganda ang takbo ng kapalaran mo, paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Hindi dapat mabuhay ang tao na ang tanging nasa isip lang niya ay ang kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-14-24-35-44.




Comments