top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

After 4 yrs… Kalat na: Show nina Ai Ai at Marian sa siyete, tsutsugihin na!

  • Nitz Miralles
  • Oct 31, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Sinagot na ni Ai Ai delas Alas ang ilang weeks nang naba-blind item na mawa­wala na ang Sunday Pina­Saya sa ere. Ang sabi pa nga, hang­gang December na lang ang musical variety show na co-produced ng GMA-7 at APT Entertainment ng mga Tuviera.

Sa kanyang sagot, kinowt ni Ai Ai ang isa sa mga executives ng show. “Sabi niya, ang isagot ko (‘pag may nagta­nong), tuloy ang saya. Hindi lang natin alam kung ano ‘yung tuloy ang saya. Basta ituloy na lang natin ang saya.”

Dagdag pa ni Ai Ai, wala pang sinasabi sa kanilang cast tungkol sa isyu at saka­ling may katotohanan ang blind item, malulungkot siya dahil four years na ang show at ganu’n na katagal silang mag­kakasama.

In fact, “classmates” ang tawagan nila ng female cast na sina Barbie Forteza, Lovely Abella, Valeen Montenegro at Ju­lie Anne San Jose. Lalo rin silang naging close ni Marian Rivera at close rin ang male mainstays.

Malalaman din naman natin kung ano ang totoo sa balitang ito na nauna sa blind item at ngayon ay binanggit na kung anong show.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page