24-anyos na never pang naka-BF, gemini guy ang mapapangasawa
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Wala pa akong boyfriend kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan ako magkaka-boyfriend? Sa December 16, 25 years old na ako.
Sana, makita n’yo at maanalisa sa aking palad kung kailan ako magkaka-boyfriend at kung sino ang magiging boyfriend ko, ano ang zodiac sign at saan ko siya makikilala?
Kasagutan
Kapansin-pansing lagpas sa kalagitnaan ng lalagyan ng guhit ng pag-aasawa o seryosong pakikipagrelasyon nang tumubo ang isang mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, kung hindi ka nagka-boyfriend noong nag-aaral ka pa o sa kasagsagan ng iyong pagdadalaga, siguradong sa kalagitnaan ng iyong edad sa panahong tumuntong ka na sa edad na 25 pataas, isang lalaking halos kasing-edad mo rin ang darating, liligawan ka hanggang sa tuluyan kayong makabuo ng matimyas at masayang relasyon na madaling kinumpirma ng gumanda at naayos ding Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tulad ng nabanggit, habang nagkakaedad ka, kumbaga sa bulaklak, habang namumukadkad, bumabango at lalong gumaganda, pasaya nang pasaya at paganda rin nang paganda ang love life mo hanggang sa tuluy-tuloy ka nang magka-boyfriend, stable relationship, makapag-asawa at magkaroon ng masaya at matagumpay na pamilya (h-h arrow c.).
Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Ms. Sagittarius, sa nalalapit na 2020, sa buwan ng Marso hanggang Abril, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong makikilala. Medyo matatagalan din bago ka niya ligawan at bago mo siya tuluyang sagutin, pero sigurado ang magaganap, hindi matatapos ang 2020 at sa edad mong 25 pataas, magkakahulugan na ang inyong loob hanggang sa tuluyang mabuo ang matimyas at nakakikilig na relasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay ng pagpapamilya.




Comments