Mas maganda raw kesa sa gawa ni Goma… Painting ni Angel, pinagpiyestahan ng netizens
- Beth Gelena
- Oct 30, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @therealangellocsin (right)
Bukod sa pagiging magaling na aktres, may isa pa palang talent si Angel Locsin — ang pagpipinta!
Nag-post ang aktres sa kanyang socmed account ng kakaibang abstract painting na gawa niya. Aniya, “Para maiba lang.”
Iilan lang ang nakakaalam ng talent na ito ni Angel.
Kaya naman, hinangaan ng mga netizens ang post ni Angel at sabi ng isa, “Now that’s what I call art.”
Ang isa naman ay nagsabing… “Huwaw! Mas okey ito kesa ‘yung kay Goma...”
Kamakailan lang kasi ay nag-post din si Richard Gomez ng kanyang kakaibang likha na private part ng lalaki na binansagang “Yellow Dick”.
“Mas ok talaga than that horrid painting of Goma. Kahit na paint by numbers lang ‘yan kay Angel, mas ‘di hamak na maganda.”
“Paint by numbers ‘yan. Sinabi niya sa comments section. Pero yes, something new pa rin for her and impressive!”
Aside sa preparation ng kanilang kasal ni Neil Arce, ang pagpipinta ang isa pang pinagkakaabalahan ni Angel na pang-alis daw ng stress.





Comments