top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Galit din sa utol n'yo, Marjorie at Claudine? Daisy kay Annabelle: Tirahin mo na si Gretchen!

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 30, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @isgfan (left)/ @annabelleramaig (middle)

Masaya at bongga ang pag­di­riwang ng 67th birthday ni Anna­belle Rama. Napakaganda at ma­ku­lay ang dekorasyon sa venue ng party.

Mala-bouquet of roses ang design ng 4-layered cake na bagay na bagay sa paligid na pinaulanan ng mga rosas na iba’t iba ang kulay. Nagmistulang eleganteng hardin ang venue at tuwang-tuwa si Annabelle kaya todo-thank you siya sa mga nag-effort para sa kanyang party.

Samantala, kamakailan lang ay muntik nang magkaroon ng Annabelle vs. Gretchen Barretto war. Nag-comment kasi ang anak ni Annabelle na si Ruffa Gu­tierrez sa IG photo ni Julia Barretto na pamangkin ni Gretchen noong kasag­sagan ng Barretto scandal.

Sa totoo lang, wala naman kaming na­kitang mali o masama sa comment ni Ruffa sa photo ni Julia na “Freshhhhhh,” na niresbakan ni Gretchen na nakikisawsaw daw si Ruffa sa away nila ng pamangkin.

Siyempre, to the rescue ang madir ni Ruffa at agad binuweltahan si La Greta sa Instagram na kawawa naman daw ito, walang kakampi at isinusumpa ng buong mundo.

Kaya, tipong kampo naman ni Ruffa ang tinututukan ngayon ng media dahil sa nangyaring IG posts.

Inaabangan kung magkakaroon ng part 2 ang Barretto conflict at malamang nga na masama na nang tuluyan sa away ang pamilya ni Ruffa dahil hindi ma­layong makarating kay La Greta ang nangyari sa kaarawan ni Annabelle.

May kumalat kasi na video from An­nabelle’s birthday kung saan makikitang nagsasalita si Ruffa para sa kanyang mommy na tila may pasaring kay Gretchen.

Aniya, “Huwag mo nang i-post ang ten-page letter mo, Ma. Peaceful na ang lahat.”

Ang sagot naman ni Annabelle, “Ta­pos na ang giyera, Ruffa. Minsan lang ako magpo-post, tapos na.”

At ang nakatawag ng pansin ng lahat ay nang biglang sinabi ng aktres na si Daisy Romualdez kay Annabelle na “Tirahin mo na si Gretchen, ‘day” na mabilis din namang sinagot ng birthday girl ng “Tapos na, ‘day.”

We wonder, ano’ng meron? Bakit ‘ipi­natitira’ ni Ms. Daisy si Gretchen kay Annabelle? May galit din ba siya sa kapatid nina Marjorie at Claudine?

Anyway, kung sakali mang magsalita si Gretchen laban sa pagpapa-interview ni Ruffa sa media, sinigurado ni Anna­belle na hindi lang siya mananahimik.

Sabi pa ng palabang mommy ni Ruffa, “Pero ‘pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpa­pa-under maski kanino, ano?”

Well, balik-‘Pinas na si Gretchen with her daughter Dominique katulad ng nakita namin sa IG niya na “I’m back in Manila & still dreaming of our food trip in San Francisco with my little one @dominique.”

May kasunod pa kaya ang Barret­to scandal? Abangan!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page