top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bumagsak sa board exam, makakapasa kung magsusuot ng berde o dilaw

Maestro Honorio Ong
Oct 30, 2019
1 min read

Dear Maestro, Ngayong taon, kumuha ako ng CPA Board Exam at hindi ako nakapasa, pero hindi ako susuko kasi gustung-gusto kong maging Board passer. Sa susunod na taon, balak kong mag-exam ulit at sa tingin ninyo, suwerte kaya ang taong 2020 at makakapasa na kaya ako? Kung hindi, anong taon ang suwerte sa akin para kumuha ng Board exam? October 13, 1989 ang birthday ko.

Umaasa, Rowella ng Bagong Silang, Lumban, Laguna

Dear Rowella, Ayon sa zodiac sign mong Libra at birth date na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), upang makapasa ka sa CPA Board Exam sa 2020, magsuot ka ng berde o dilaw sa araw ng pagsusulit. Ang kulay na nabanggit ang magsisilbing pampabuwenas mo na hahatak ng suwerte at magandang kapalaran.

Dagdag pa rito, maaari ka ring gumamit ng ballpen o lapis na may disenyong berde o dilaw, puwede ring ang nasabing mga kulay ang gamitin mong panyo, head band o anumang burloloy sa iyong katawan.

Kapag nasunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit, tiyak ang magaganap sa 2020 at sa edad mong 31 pataas, (ang 31 ay 3+1=4 na siya ring birth date mo, habang ang 2020 ay may kabuuang bilang na 4, dahil ang 2020 ay 20+20=40/4+0=4) walang duda, bonggang-bongga, magiging Certified Public Accountant ka na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page