top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Kaya totoo ang mga multo... Ayon sa bible: Kaluluwa, buhay pa rin kahit patay na ang tao

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Oct 30, 2019
  • 2 min read

Ipagpatuloy natin ang mga kaalaman ngayong Araw ng mga Patay.

Ganito ang sabi, para malaman kung totoo ang aral o paniniwala ng relihiyon, dapat ay nakabatay sa mismong pinaniniwalaan ng mga apostol dahil ang mga apostol ay personal na tinuruan ni Lord Jesus Christ kung ano ang kanilang dapat paniwalaan.

Sa ganitong katotohanan, ang mga apostol ba ay naniniwala sa multo? Ang nakayayanig na sagot ay oo.

Nasusulat na ilang araw nang patay si Kristo kaya nang magpakita Siyang muli sa mga apostol, nagsisigaw ang mga ito ng “multo!” Ikaw, naniniwala ka ba sa multo? Kung oo, dapat lang kung ikaw ay Kristiyano.

Ang grupo ba ng relihiyong kinaaaniban mo ay naniniwala sa multo? Kung hindi, isa lang ang ibig sabihin nito, ang aral ng paniniwala ng relihiyong iyon ay taliwas sa paniniwala ng mga apostol.

Nakakatakot ba ang multo, ano sa palagay mo? Ito ay nasusulat at ayon sa Bible, letra-por-letra, ang mga apostol ay natakot sa multo, kaya kung takot ka sa multo, tama lang ito dahil ang mga apostol ay takot din sa multo.

Ayon sa Aklat ng Revelation o Pahayag, sinabi ni Juan na may nakita siyang mga bulaklak sa langit kung saan naroroon ang mga kaluluwa ng mga pinagkalooban ng muling pagkabuhay. At dahil dito, dapat lang na mag-alay ng mga bulaklak sa puntod ng mga patay.

Sinabi rin sa aklat na isinulat ni Juan na sa langit kung saan naroon ang mga muling binuhay, nakakita siya ng mga kandelaryong ginto o lagayan ng kandila. Ang relihiyon mo ba ay gumagamit ng kandila? Kung hindi, mag-isip-isip ka na dahil baka hindi ito ang relihiyon na binabanggit sa Bible.

Buhay pa ba talaga ang mga patay? Ganito ang sabi ni Lord, “Huwag kayong matakot sa pumapatay ng katawan na hindi kayang pumuksa ng kaluluwa.” Ibig sabihin, kapag namatay ang tao, katawan lang ang patay sa kanya at ang kanyang kaluluwa ay buhay pa.

Buhay ba talaga ang patay? Ayon pa rin sa Bible, “Nagpatulong si Haring Saul sa mangkukulam para makausap si Propeta Samuel na noon ay matagal nang patay.” Nagpunta si Haring Saul at ang mangkukulam sa puntod ni Samuel at ayon sa nasusulat, nakita ni Saul si Samuel.

Muli, para mas malinaw, hindi si Saul ang nagsabi na nakita si Samuel kundi ang Bible. Ito ay mababasa sa Bibliya kung saan sinabi na lumitaw ang kaluluwa ni Samuel.

At hindi lang simpleng nakita dahil nakasulat sa Bible na “At sinabi ni Samuel kay Saul.” Ibig sabihin, pinagtitibay ng Bible na buhay pa ang kaluluwa ng patay.

(Itutuloy)

1 Comment


fitoy92660
Jan 28

Interesting take on ghosts and scripture! Curious tension: if takot sa multo is ‘tama,’ paano isinasabay ’yan sa paulit-ulit na ‘fear not’ command sa New Testament? Time Duration Calculator

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page