top of page

Warriors, talo na naman, tinambakan ng OKC Thunder

  • MC
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Dumanas na naman ng masaklap na pagkatalo ang Golden State Warriors makaraang tambakan sa ikalawang kabiguan ng Oklahoma City Thunder 120-92 sa NBA game kahapon.

Ito naman ang unang panalo ng Thunder mula nang lisanin sila ng superstar at dating MVP na si Russell Westbrook na ipinalit si Chris Paul. Bukod kay Paul na may 10 points bumida rin sa Thunder na tinambakan ang Warriors ay si Dennis Schroder na may 22 points.

Isang balanseng atake ang ginawa ng Thunder sa itinalang 21 puntos ni Danilo Gallinari habang may 19 points at 9 rebounds na idinagdag si Shai Gilgeous-Alexander. Malaki na agad ang abanse sa half-time ng Oklahoma City sa score na 70-37. Nakapag-ambag agad si Schroder ng 16 points at six rebounds sa first half pa lang.

Pinoproblema ng Golden State kung paano aayusin ang kanilang depensa. Aminado namang dismayado ang Warriors forward na si Draymond Green dahil sa mahinang diskarte sa depensa. Nasayang ang 23 puntos ni dating MVP Stephen Curry. Unang napahiya ang Warriors sa opening game kontra sa Los Angeles Clippers nang tambakan din sila.

Masakit sa Warriors na mawala ang main players na napakinabangan nila ng 5 taon tulad nina Kevin Durant na lumipat na sa Nets, habang may injury si Klay Thompson at nagpapagaling pa. Ngayong Martes ang susunod na laro ng Thunder at maghaharap ang grupo ni Paul at ni Westbrook. Sisikapin naman ng GSW na makapanalo kontra Pelicans.

Samantala, nakagawa si Anthony Davis ng 29 points at 14 rebounds upang magwagi ang Los Angeles Lakers’ 120-101 laban sa Charlotte Hornets kahapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page