Sanay naman daw sa pagkain ng pagpag… Alex, gustong ipakain kay Mayor Isko ang dinilaang pagkain
- Janice DS Navida
- Oct 29, 2019
- 1 min read

‘Kaaliw ang one-on-one interview ni Alex Gonzaga kay Manila Mayor Isko Moreno para sa kanyang vlog.
Itinour ni Yorme Isko si Alex sa Mehan Garden na ni-rehabilitate ng Manila government at ngayon nga ay binuksan na para sa mga gustong mamasyal dito.
Sa loob ng kotse ni Mayor Isko naganap ang interview at aliw ‘yung bag raid kung saan nabuking ang mga dala-dalang gamit ni Yorme, lalo na ‘yung lipstick, na ang nasabi na lang ng alkalde ay “Charot!”
Nandu’n din ang pay cheque ni Yorme Isko na ayon sa kanya ay worth P122,000 ang suweldo niya at sandaling ipinasilip ni Alex sa kamera.
Nakakatuwa rin ‘yung idinoneyt ni Mayor Isko ang talent fee niya sa Jag endorsement niya para sa charity.
Pero mas malakas ang halakhak ni Yorme sa ‘pagpag’ eating challenge sa kanya ni Alex.
May kani-kanya silang pagkain at pagkatapos nila itong kagatan, nagpalit sila. Tapos tinanong ni Alex si Mayor Isko kung hindi ba ito maselan dahil kumakain naman daw ito ng ‘pagpag’ nu’ng bata pa.
Ang ginawa ni Alex, dinilaan ‘yung kinakain niya at saka gustong ipakain kay Yorme kaya ang lakas talaga ng tawa ng aktor-pulitiko. ‘Kalokah!





Comments