OFW na gustong mag-Canada, dapat walang putol ang pirma para tuluy-tuloy ang magandang kapalaran
- Maestro Honorio Ong
- Oct 29, 2019
- 2 min read
Maestro Honorio Ong

Katanungan
October 4, 1974 ang birthday ko at September 30, 1980 naman ang birthday ng misis ko. Nagtatrabaho ako sa Kuwait, pero may balak kaming mag-apply sa Canada.
May pag-asa ba kaming makarating sa Canada?
Kasagutan
Kapansin-pansin ang malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, nakatakda sa iyong kapalaran ang makarating sa iba’t ibang panig ng mundo na madaling kinumpirma ng birth date mong 14 na nagtataglay ng ruling planet na Mercury.
Ibig sabihin, tulad ng nagaganap at naganap na, ang mga pangingibang-bansa ay nakatakda sa iyong kapalaran, ang problema lang ay ang iyong signature kung saan kapansin-pansin na maraming beses na napuputol ang iyong lagda sa halip na tuluy-tuloy na isinusulat. Ito ang dahilan kung bakit palaging naaantala ang mga plano at pinapangarap mo sa buhay, gayundin, hindi nagtutuloy nang maayos ang lahat ng mga binabalak mo sa buhay.
Gayunman, hindi pa huli ang lahat. Kaya kung magagawa mong pagdugtung-dugtungin ang pagkakasulat ng iyong pirma, madali mong makakamit nang tuluy-tuloy at mabilis ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay.
Dagdag pa rito, bukod sa hindi tuluy-tuloy na pagsulat ng lagda, kapansin-pansin din ang island o bilog sa Head Line sa kaliwang palad (Drawing A. H-H arrow b.) at may bilog din na maliit ang Heart Line (Drawing B. h-h arrow c.) sa kanang palad. Ito ay babala naman na iwasan mo ang pakikipagtalo, gayundin ang pagiging masyadong matigas ng loob mo sa iyong mga kakilala at kaibigan dahil sa bandang huli, ito ang lihim na magpapahamak sa iyo.
Ibig sabihin, hindi masama kung tutularan mo ang “kawayan”, kumbaga, kapag malakas ang hangin, inihahapay siya kung saan-saan, ito rin ang dahilan kung bakit ang kawayan ay hindi nababali o nabubuwal kahit malakas ang bagyo.
Hindi tulad ng ibang puno na dahil hindi humahapay-hapay kapag malakas ang hangin, kapag dumating ang bagyo, makikita mo na ang matayog na puno ay nahuhugot ang ugat at madaling nabubuwal.
Dahil dito, tulad ng naipaliwanag na, sa anumang sitwasyon ng buhay, lalo na sa pakikipagkapwa-tao mabuting tularan mo ang kawayan na humahapay-hapay sa hampas ng hangin, hindi ka basta-basta mabubuwal at mapapahamak kailanman. Dapat Gawin Habang, ayon sa iyong mga datos, Marvin, kung itutuloy mo ang balak mong pag-a-apply sa Canada, sa 2020 hanggang 2021 at sa edad mong 44 pataas, may mabunga at mabiyayang pagpunta sa Canada ang itatala sa iyong kapalaran.




Comments