top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

For sure, relate much ka rito, besh... Mga nakakatakot na karanasan ng pagiging empleyado

  • Jersy Sanchez
  • Oct 29, 2019
  • 2 min read

Dalawang araw na lang, Undas na! Bukod sa paghahanda sa pagbisita sa mga yumao nating mahal sa buhay, hindi rin nawawala ang magtakutan. Agree?

‘Yung tipong ang lakas magyayaan na manood ng horror movies, pero ang ending ay halos walang napanood dahil puro takip ng mga mata ang ginawa para hindi makita ang nakakatakot na mga eksena.

Gayunman, pass muna sa kuwentong kababalaghan at pag-usapan natin ang real-life katatakutan na nararanasan ng mga empleyado na magpapatunay na may mas nakakatakot pa sa mga multo at aswang. Awooo!

1. DEADLINES. ‘Yung tipong papetiks-petiks ka kapag malayo pa ang deadline, pero kapag malapit na, para kang hinahabol ng multo. Ayan, petiks pa more! Ha-ha-ha!

2. LATE NA SUWELDO. ‘Yung panahong wala ka nang pang-lunch dahil todo-hintay ka ng suweldo, pero ang ending, late pala ito. Naku pooo! Well, hindi naman ito madalas mangyari, pero kapag minamalas, natatapat pa kung kelan sobrang short ka na o said na ang laman ng ATM mo. Hu-hu-hu!

3. MA-LATE NG GISING. Minsan, napapaisip ka kung sobrang lalim ng tulog mo o kung may sapi ‘yung cellphone mo dahil hindi ito nag-alarm. Mga bes, ‘wag n’yong pagdudahan ang alarm n'yo dahil baka nakalimutan mo talagang mag-set o nauna kang makatulog bago magawa ito. ‘Yun lang!

4. SEEN ZONE NI BOSS. ‘Yung tipong sobrang kabado ka at ang tagal mong nag-compose ng ise-send mong message dahil nagpapaalam kang hindi makakapasok, tapos ang ending ay inbox-zone o na-seen lang ni boss.

5. BIGLANG IPINATAWAG SA HR. Wala nang mas nakakatakot pa kapag nagtatrabaho ka nang tahimik, tapos bigla kang ipinatawag ng HR officer. Mamumutla ka talaga sa kakaisip kung may ginawa ka bang kalokohan o may trabaho ka pa kinabukasan.

6. UNSAVED DOCUMENT TAPOS NAG-BROWNOUT. Nakakatakot at nakaka-badtrip talaga kapag marami ka nang nagawa o naisulat, tapos biglang nag-brownout at hindi mo nai-save ‘yung documents.

Mapapasabi ka na lang ng “Gusto kong sumabog at magsabi ng masasamang mga words” o “Ang sarap magwala.” ‘Kaloka!

7. TRANSPORT STRIKE. Dahil sobrang konti ng pampasaherong sasakyan, nagmumukhang zombie ang mga komyuter na humahabol sa mga dumarating na jeep o UV. Nakakatakot din ‘yung ang tagal mong pumila at ang ending, wala palang jeep na darating.

For sure, lahat tayo ay may kinatatakutan, hindi lang sa trabaho, kaya alin sa mga ito ang naranasan mo na?

Huwag kalimutang ipabasa ito sa mga kakilala o kaibigan ninyo na siguradong makaka-relate sa mga nabanggit.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page