Wala raw kasing dating… Movie nina Carlo at Maine, taob kina Kathryn at Alden

May nag-text kay yours truly stating the following… “Kawawa namang Carlo Aquino, unang film na ginawa niya after a much needed hiatus or hibernation, I guess ay tipong hindi accepted ng fans na itambal siya kay Maine Mendoza dahil wala itong element or excitement na makakapag-arouse ng curiosity ng movie going public, especially the fans para panoorin ang movie nila ni Maine.
“Sana, may nakaisip sa grupo ng mga producers ng ideyang itambal kay Maine si Daniel Padilla tulad nang itambal si Alden Richards sa ka-love team ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
“Dahil mas makakapag-excite ‘yun sa movie going public and sa fans to see the movie to compare Alden and Daniel. What do you think?”
Well, in some point, may tama siya. But heard na kumita rin naman ang movie nina Carlo Aquino at Maine Mendoza, pero hindi nga lang daw kasinglakas ng kinita sa takilya ng Hello, Love, Goodbye na first movie nina Alden at Kathryn.
Hay, naku! Basta ang importante, kumita kahit paano at naibalik ang puhunan ng nag-invest sa pelikulang Isa Pa With Feelings nina Maine at Carlo, ‘noh!





Comments