Siya ang GF, pero… Alexa, natauhan na si Mika ang mahal ni Nash kaya naghiwalay
- Nitz Miralles
- Oct 27, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

‘Kaaliw ang kuwento ng karamihan sa cast ng Santigwar na kahit hindi sila matatakutin, natakot pa rin sa mga eksenang ipinagawa sa kanila ng direktor na si Joven Tan.
Launching movie ito ni Alexa Ilacad na ikinuwentong she was both excited, happy and surprised nang malamang personal choice siya ni Direk Joven to play the central character of the movie.
Nakakalungkot na sumabay sa promo ng movie ang controversy sa ex niyang si Nash Aguas dahil sa love life niya na-focus ang promo at hindi sa movie.
Maganda pa naman ang sinabi ni Alexa sa movie, “Santigwar is very edgy at ang saya ng experience ko doing the movie na ang karakter ko ay tao na may lahing aswang.
I had to train sa fight scene, cardio para magawa ko ang mga eksena na marami ang fight scene at habulan.
Wala kaming double rito sa fight scene, kami mismo ang gumawa and it was a first for me. Fulfilling ang movie na ito,” sabi ni Alexa.
Anyway, gusto lang naming ibalik sa isyu nila ni Nash ang tanong ni Alexa sa ex-BF na “Where was I?” sa inamin ni Nash na for 13 years, he still loves Mika dela Cruz. Naging sila ni Nash during those 13 years.
“So when you said na ‘13 years and I still love you’ where was I? I said to myself, hmmm not worth your time, move on.”





Comments