top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot arestado sa boga

Pabs Hernandez III
Oct 27, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA — Isang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Jun Miranda, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may nakatagong baril sa loob ng bahay ni Miranda kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.

Sa paghahalughog sa bahay ng suspek ay dito nakumpiska ang kalibre .45 pistola at mga bala.

Nakapiit na si Miranda na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page