top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Oktubre 27, 2019 (Linggo)

Maestro Honorio Ong
Oct 27, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2019 (Linggo): Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap, aanihin mo ang bunga ng iyong pinaghirapan at hindi ka matutulad sa mga sikap nang sikap, pero walang narating.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa matigas na bagay ang iyong pampasuwerte ngayon. Ito ay matagal mo nang iniingatan kaya ilabas mo ito at linisin. Ganu’n lang kasimple para ikaw ay tiyak na suwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawa sa kahoy o sa pinatigas na putik o lupa ang iyong pampabuwenas. Hawakan mo ito at sabihin ang iyong kahilingan, pero dapat ay pabulong lang o walang ingay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-27-32-35-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Makislap na bagay ang iyong pinakaepektibong pampasuwerte. Maaakit mo ang mga suwerte sa iyong paligid at puwede ring maagaw mo ang mga suwerte na nasa sa ibang tao na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-15-20-23-39.

CANCER (June 21-July 22) - Dalasan mo ang pagyakap sa dala-dala mong personal na bag. Hindi dahil baka maholdap ka kundi dahil sa ganitong paraan, magigising ang mga suwerte mo na matagal nang nahimlay sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-31-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Unahan mo sa paggising ang Haring Araw. Sa ganitong paraan, magdaratingan ang mga bago mong magagandang kapalaran. Muli, maaga kang gumising, mas maaga sa pagsikat ng araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-29-33-35-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang magiging dating sa iyo ng tunog ng mga barya. Ito ang magpapalayas sa mga negatibong puwersa sa iyong paligid at ito rin ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-19-25-37-43-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit may tampo ka o galit sa iyong mahal, dapat mong malaman na siya pa rin ang iyong pampabuwenas. Titigan mo siya kung ayaw mong kausapin dahil sapat na ‘yun para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-27-32-36-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Uminom ka sa basong malalim o kumain sa pinggang malalim. Mahirap man paniwalaan, maganda pa rin na iyong sundin dahil sa ganitong paraan mapasasaiyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-20-21-25-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Titigan mo ang kalangitan. Sa pagtitig mo, sabihin mo ang iyong pinakamalaking kahilingan. Hindi ka mabibigo at makikita mo na ang mga hiling mo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-18-21-23-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alisin mo ang iyong sapin sa mga paa kapag nasa bahay ka, lumakad ka at ikaw ay magiging abala sa kahit anong gawain. Sa ganito, ang mga suwerte ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-12-29-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Higit kailanman, ang pagdampi ng hangin sa iyong mga pisngi ngayon ay ang iyong pampasuwerte kung saan ang bisa nito ay nagsasabing, ang mga suwerte ay hahalik sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-23-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang nasa malayo, siya mismo ang iyong pampasuwerte. Makipag-ugnayan ka sa kanila at biglang magbabago ang ihip ng hangin kung saan ang mga suwerte ay magsisilapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-26-36-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page