top of page

Handa ka na ba? Mga dapat malaman sa pagma-mature

  • Jersy Sanchez
  • Oct 27, 2019
  • 2 min read

Isa sa mga kinatatakutan ng karamihan ay ang pagiging adult o adulting dahil no more asa kina mama at papa pagdating sa mga bayarin, trabaho at kung anu-ano pa. Pero bukod sa mga ito, anu-ano pa ba ang meron sa adulting na hindi alam ng karamihan?

1. WALANG PATTERN. Noong bata pa tayo, akala natin ay alam ng mga nakatatanda ang lahat ng kanilang ginagawa, pero sa totoo lang, marami sa kanila ang walang ideya kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang buhay dahil ang adulting ay walang pattern, gayundin, ang mga bagay ay nagbabago. Dahil dito, mamili ka kung ano ang susundin mo, puso o isip?

2. LAHAT AY MAY PINAGDARAANAN. Maliit man o malaki, siguradong lahat ay may pinagdaraanan. Gayundin, walang hindi nakararanas ng sakit o heartbreak kaya kapag sa tingin mong pinagdaramutan ka ng universe o ikaw ang pinakamalas na tao, huwag mong kalimutan na may tao kang kapareho ng pinagdaraanan. Okie?

3. HINDI ITO MADALI. Tulad ng nabanggit, lahat ng tao ay may pinagdaraanan kaya hindi lahat ng ibinabato ng kapalaran ay nagiging madali. Dahil dito, kailangan mong maging handa. At kapag natutunan mo ito, matututo ka ring mag-grow at mahanap ang iyong “deepest purpose”.

4. MASAYA. Hindi porke wala itong pattern o hindi madali, ibig sabihin, hindi na ito masaya. Mga bes, adulting is not always ugly dahil marami kang matututunan along the way. Gayundin, ito ang magtuturo sa iyo na maging independent kung saan lahat ng gusto mong gawin nu’ng bata ka ay puwede mo nang magawa nang hindi humihingi ng permiso sa iyong parents. Ayos, ‘di ba?

5. MARAMI PA RING IMMATURE. Sabi nga nila, ang pagiging matured ay wala sa edad dahil puwede itong matutunan mula sa experience at mga taong nakapaligid sa atin. Manatiling konektado sa mga taong tumutulong para maging mabuti kang indibidwal. Gayundin, kapag may tao o circle of friends na nagpaparamdam sa iyo na kailangan mong depensahan ang iyong sarili para hindi ka nila husgahan, cut them off.

6. HINDI PA HULI ANG LAHAT. Kung gusto mong bumalik sa pag-aaral, go lang. Kung gusto mong maghanap ng mas magandang trabaho, why not? Mga besh, kahit gaano ka kakomportable sa ginagawa mo, kung hindi ‘yun ang gusto ng puso mo, hindi pa huli ang lahat dahil ang mga ito ay puwedeng-puwede mo pang gawin. Okie?

7. OKS LANG HUMINGI NG ADVICE. Kahit gaano na tayo katanda, iba pa rin ang payo na ibinibigay ng ating mga nanay. Kapag nararamdaman mong kailangan mo ng gabay, huwag kang mahiya na humingi ng payo sa iyong ina dahil ‘ika nga nila, mother knows best.

Adulting is not always about bills, work and growing old, ka-Bulgar. Ito rin ay punumpuno ng surprises kaya be ready dahil sa totoo lang, ito ang best time sa ating buhay.

Go lang nang go dahil dapat nating i-enjoy ang lahat ng phase ng ating buhay. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page