top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aktor, kinasuhan sa pambubugbog daw sa foreigner sa bar… Padir ni Ria kay JM: Makukulong ka na!

Janice DS Navida
Oct 27, 2019
2 min read

Suki ng Cinema One Originals si JM de Guzman dahil this year, may entry na naman siya kasama ang magaling na aktres na si Alessandra de Rossi sa pelikulang Lucid.

Isa lang ang movie nina JM at Alessandra sa 8 entries sa 15th year ng Cinema One Originals. Ang iba pa ay ang Metamorphosis, O, Sila-Sila, Tayo Muna

Habang Hindi Tayo, Tia Madre, Utopia at Yours Truly Shirley na first C1 Originals movie ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Nakausap namin si JM at sabi niya, naka-relate siya sa Lucid na tungkol sa paranormal romance, pero sa case niya, hindi pa raw niya nakokontrol ang panaginip niya na mostly ay dark at tungkol sa mga giyera.

Anyway, dahil nakita namin sina JM at Ria Atayde na magkasamang nagpunta sa last night ng wake ng yumaong veteran actor na si Tony Mabesa, tinanong namin siya sa real status nila ng anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Sabi ni JM, wala silang label ni Ria pero nagse-share sila ng thoughts, positive vibes, inspiration at problems sa isa’t isa.

Inamin din ni JM na madalas siya sa bahay nina Ria kung saan nagba-bonding sila ng kuya ng aktres na si Arjo Atayde.

Na-meet na rin daw ni JM ang daddy ni Ria at natatawang kuwento ng aktor, biro raw sa kanya ni Mr. Art Atayde, “Kumusta? Makukulong ka na!”

Kung matatandaan, several months ago, kinasuhan si JM ng isang foreigner na diumano’y binugbog niya sa isang bar.

Sabi ni JM, ongoing ang case at nagsampa siya ng kontra-demanda dahil sa paninira ng naturang foreigner sa image niya.

At kung tanggap na si JM sa bahay nina Ria, natatawa namang pag-amin ng aktor, botong-boto rin ang mommy niya sa anak ni Ibyang (Sylvia) at pinipilit na nga raw silang magpakasal.

Kaso sabi ni JM, hindi pa siya handang mag-settle down.

Sa label nga, ‘di pa handa, sa kasal pa kaya? Chos!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page