4 karnaper nasakote sa checkpoint
CAPIZ — Apat na karnaper ang naaresto sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tapaz.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rolindo Catalan, Jeric Paniare, Bryan Bendoy at Jerson Lucion, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, napadaan sa police checkpoint ang mga suspek na nakalulan sa motorsiklo kaya sinita sila ng mga awtoridad.
Nang imbestigahan ang pagkatao ay dito natuklasan ng pulisya na karnaper ang mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng pulisya.





Comments