Hindi si Gerald… Sanya, umaming si Coco ang type
- Janice DS Navida
- Oct 26, 2019
- 1 min read

Ipinakilala na ang Kapuso actress na si Sanya Lopez bilang bagong GSM Island Calendar Girl for 2020 kapalit ni Pia Wurtzbach.
Sa launching, paulit-ulit na sinabi ni Sanya na hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanyang siya na ang bagong Calendar Girl ng GSM dahil Miss Universe nga naman ang pinalitan niya.
In fairness, sexy naman talaga si Sanya kaya keri naman niyang maging Calendar Girl ng Ginebra San Miguel. Excited na nga raw siyang maglibot sa buong Pilipinas para i-promote ang GSM.
Natanong namin si Sanya kung umiinom din ba siya at sabi niya, paminsan-minsan. At take note kung sino ang gusto niyang makainuman kung sakali… walang iba kundi ang bida sa Ang Probinsyano na si Coco Martin!
Well, malay natin, sa mga susunod na taon, si Sanya naman ang kunin ni Coco na leading lady sa MMFF movie niya, why not?
Samantala, nilinaw ni Sanya na wala talaga silang ‘something’ ni Gerald Anderson na na-link sa kanya. Nagkasama lang daw sila sa isang fun run.





Comments