top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Christmas Sky vs. Greatwall sa 1st WTA

  • Ding Taboy
  • Oct 26, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Bibitiwan ngayong hapon ang siyam na karera ng Condition Race kasabay ng 2 Year old Maiden Race at 3 Year Old & Above Maiden Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Hahataw ang dalawang Winner Take All (WTA), Pick 6 , Pick 5 at Pick 4 kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Sa Race 1, magsisimula ang WTA at nakalalamang ang Christmas Sky laban sa Greatwall at Gomper Girl. Mag-uumpisa ang Pick 1st Pick 5 sa Race 2 at ipinapatok ang Boy George at paglalabanan ng mga kalahok na Action Rules at couple entry na Cool Mom at One of a Kind ang segunda.

Sa Race 3 pinapaboran ang couple entry na Edward The Great at Blue Sapphire at makakalaban ang Spin Move sa 2nd WTA. Susunod ang Pick 6 at nakalalamang ang Misaka sa Imperium sa 3 year old & above Maiden Race sa Race 4.

Magaganap ang 2nd Pick 5 sa Race 5, at pinapaboran ang couple entry na Constitution at All Heart at makakalaban ang Aim Thirty One. Magaganap ang Race 6 at mabigat na makakalaban ang Give It All, habang ang Bay Watch ang makakalaban. Pinapaboran ang Trust in Him habang makakalaban ang Inter State, Ace Up at Expecto Patronium sa Race 7.

Patok ang Sheltex Magic sa Race 8 habang magsisilbing mabigat na kalaban ang Iniki Runner at Magic Carpet Ride. Sa Race 9, nakalalamang ang Sydney Boy, habang ang mga kalahok na Go Tango, Expensive at couple entry na Hard Work Classic at Yona ay magbibigay ng magandang laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page