top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bago pa ang mga Barretto… Atong, may inanakang 16-anyos na tisay na aktres, iniwan, na-depressed

Erlinda Rapadas
Oct 26, 2019
1 min read

Dahil si Atong Ang ang pinaka-naging lead actor sa teleserye ng Barretto sisters, naglalabasan na ngayon ang iba’t ibang kuwento tungkol sa ma­kulay na love life ng rich and powerful businessman.

Dati na raw may mga artistang naugnay kay Atong, at bukod sa mga singers at beauty queens, meron din daw ramp model. Pero ang isang tisay na young star na naging malapit sa amin noon ang hindi namin malilimutan at la­bis naming ikinagulat nang maging GF ni Atong Ang.

Batambata, 16 years old lamang noon ang tisay at magandang young star na artista rin ang mga magulang.

Maraming nanligaw noon na young actors sa tisay na young actress dahil mala-Barbie doll ang ganda niya, pero kay Atong Ang siya na-in love nang husto at ini­wanan ang kanyang blooming showbiz career. Nagka­roon siya ng dalawang anak na lalaki kay Atong. Binigyan naman siya ng bahay somewhere in Pasig.

Nalungkot kami nang mabalitaan namin na nakaranas ng matinding depression ang tisay na young actress (na iti­nu­ring na naming anak-anakan) nang magkahiwalay sila ni Atong.

Nasa USA na ang dating young actress pero umuuwi pa rin minsan sa ‘Pinas.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page