top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 25, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 25, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 25, 2019 (Biyernes): La­ging nasa iyo ang pag­ka­kataong gumanda pa ang buhay mo. Piliin mo ang mag­papaganda ng ki­nabuka­san mo kaysa ma­bu­hay lang sa kasalu­ku­yan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang kung ano ang maganda sa paningin. Ang maganda sa paningin ay inspirasyon ang ibig sabihin. Hindi ka magtatagumpay kung wala kang inspirasyon sa buhay. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng magan­dang pagka­kataon para mapabuti mo pa ang iyong kalagayan. Tutukan mong mabuti ang mga plano mo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-24-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Napalili­giran ka ng mga tukso. Ang iba sa kanila ay ma­lakas, pero kung ang uunahin mo ang pagpapalago ng kaban ng yaman mo, balewala silang lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-22-24-39-44.

CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang lakas ng iyong karisma. Puwede mo itong mapakinabangan sa pagka­karoon ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-26-30-32-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mas­yado kang na­katutok sa du­maya sa iyo. Ang buhay ay dapat pasu­long dahil walang pag-un­lad sa pananatili sa naka­raan at kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-10-15-27-31-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat malibang sa sa­rap ng buhay. Piliin mo ang daan na tuluy-tuloy sa pagsisikap nang sa gayun ay maiwanan mo nang todo ang iyong mga kasabayan at karibal. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-22-25-26-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Iyung-iyo ang araw na ito. Hu­wag mong hayaang maungusan ka ng mga naiinggit sa iyo. Gami­tin mo ang masuwerteng araw na ito para sa ikaga­ganda ng buhay mo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-21-27-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang pinili mo, ‘yun ang pag­butihin mo. Huwag kang gumaya sa iba na namili, pero ang pinili ay ayaw sa­bayan ng kaukulang pag­kilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-13-20-24-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang aasahan sa ka-pwa mo, lalo na sa mga natulungan mo. Hin­di dahil sa ayaw nila kundi dahil dito sa mundo, ang tao ay may kani-kan­yang interes. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-25-39-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong gantihan ng masama ang masama. Mabuting isabu­hay mo ang sinasabing may karma ang mga masama. Ito ang ganti ng kapalaran sa masasama. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-20-25-30-31-36-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit mo papansinin ang mga mapan­husga? Hayaan mo sila at makikita mo na sila ang hu­husgahan ng langit at aani­hin nila ang parusa sa utos na huwag kang mapang­hus­ga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-29-38-42-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inaayos na ng langit ang kapa­laran mo dahil nakita Niya na kung ikaw lang ang mag-aayos nito, matatagalan ang pagdating ng mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-22-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page