Horoscope | Oktubre 24, 2019 (Huwebes)

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 24, 2019 (Huwebes): Bilis ang sandata mo para sa lahat ng iyong layunin sa buhay. Ito rin ang magbibigay ng yaman sa iyo kaya dapat kang maging mabilis sa lahat ng pagkakataon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang nasa mga kamay mo na ang mga gusto mo sa buhay. Gawin mo ito dahil ito ang tunay na pagkilos ng taong positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nag-aalinlangan ka, talo ka. Bukod sa ikaw ay talunan, iiwanan ka pa nang milya-milya ng iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Papaboran ka ng mga pagkakataon kaya huwag mo itong sayangin at balewalain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-20-23-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili upang hindi ka matulad sa iba na tinatangay-tangay lang ng kanilang kapwa. Hindi ka isinilang para maging sunud-sunuran lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-26-29-33-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mali na kumikilos ka na parang kaawa-awa. Hindi ito magugustuhan ng langit dahil ang papel mo sa mundo ay maawa at hindi para kaawaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-14-16-22-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tagahatol dahil ang bawat hatol mo ay matuwid at nararapat. Kung may magsasabi na ikaw din ay may mga pagkukulang at kamalian, huwag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-17-21-23-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasakit ang ulo mo kapag naging mabilis ang pagpapasya mo. Ang payo ay nagsasabing, pag-aralan mo nang mabuti kung ano ang dapat mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-13-19-21-23.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi dapat maging hadlang sa mga pagkilos mo na nakatuon sa pagpapaunlad ng buhay mo ang iyong personal na suliranin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-24-25-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami pang magagandang bagay ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Huwag kang hihinto at aatras. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maging matatag ka at matibay. Sa mga araw na ito, marami ang magtatangkang dayain ka at paniwalain sa mabilisang pagkita ng pera. Muli, mag-ingat ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-21-22-23-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumagay ka sa gitna, ibig sabihin, wala kang papanigan. Hindi ka dapat maipit sa pagitan ng dalawang taong malapit sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-25-26-33-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagbutihin at gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Nakasalalay sa mga kamay mo ang tagumpay at kabiguan ng iyong kasamahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-25-27-35-39.




Comments