top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

After matsismis na buntis… Nadine, out muna sa Showbiz

Melba Llanera
Oct 24, 2019
1 min read

Parang bakit, saan nanggaling? Kung ‘di na­man nanggaling sa akin, sana ‘wag pani­walaan,” ito ang naging pahayag ni Nadine Lustre sa presscon ng Your Moment.

Agad na pinabulaanan ni Nadine ang kumakalat na balitang buntis siya courtesy of her boyfriend, James Reid.

Bukod kasi sa kumalat na photos ni Na­dine sa internet kung saan medyo malaki ang tiyan niya na maaaring dahil lang sa suot ng aktres at sa maling anggulo ng picture, nabahiran din ng intriga ang matagal-tagal na niyang binabalak na bakasyon.

Ayon sa aktres, sa buong taon na tuluy-tuloy na tra­baho ay well-deserve niyang magpahinga, bukod pa sa may mga importante si­yang bagay na aasikasuhin sa labas ng showbiz.

Sa suot ni Nadine sa press­con kung saan impis ang tiyan niya ay kapansin-pansin nga ang pagpayat ng aktres. Ku­wento niya sa amin, kagagaling lang niya sa viral infection na usung-uso ngayon at inaatake pa siya ng asthma habang ongoing ang presscon.

Mabubuhayan din ng loob ang mga JaDine fans sa isi­nagot ni Nadine na da­rating din ang pagka­kataon na magka­kasama silang muli ni James sa isang proyekto, pero sa ngayon ay mas ma­ganda na mag-grow din muna sila bilang mga solo actor and actress.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page