top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa mga malas sa buhay, negosyo, love life etc... Dapat bagong paligo, manicure at pedicure, at magpa

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Oct 23, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga kaalaman na may kaugnayan sa New Moon na magaganap sa October 28, 2019.

Noong nakaraang isyu, sinabi natin na ang buwan ay nakaaapekto sa buhay ng tao. Ngayon naman, ibabahagi natin kung paano bubuwenasin ang mga tao na ayon sa kanila ay hindi umuusad ang kanilang buhay, gayundin, kung ano ang magandang gawin upang suwertehin sa pagdating ng New Moon ngayong ika-28 ng Oktubre.

  1. Sa mismong New Moon, dapat bagong paligo ang nag-aakalang minamalas sa buhay.

  2. Ito rin ay dapat gawin ng nabigo sa love life.

  3. Puwede rin sa mga naghahangad na gumanda ang career at negosyo.

  4. Bagong damit ang dapat isuot.

  5. Bagong manicure at pedicure.

  6. Magpabango.

  7. Maglagay ng mga prutas na bilog sa salas at kuwarto.

  8. Kumain nang marami mula almusal, tanghalian hanggang hapunan. Mas magandang kumain nang may kasabay at dapat masayahin ito.

  9. Mamigay ng kahit konting pera sa kakilala.

  10. Bago matulog, humarap sa salamin na nakasabit sa pader.

  11. Habang nakahiga, isa-isang isipin ang mga gustong mangyari sa buhay.

  12. Gumising nang maaga o unahan ang pagsikat ng araw.

Para sa nag-aalinlangan kung may epekto ang buwan sa buhay ng mga tao, magandang buksan ang Bibliya at mababasa na mismong si Lord Jesus Christ ay naniniwala na ang buwan ay nakaaapekto sa buhay ng tao.

Sabi Niya, “Tingnan ninyo ang buwan sa langit sa gabi, kapag may hallow o pabilog na paikot na anyo, tiyak na hindi maganda ang panahon, kinabukasan.”

Good luck and God bless.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page