PBA players nilektyuran sa tamang asal at mga batas
- MC
- Oct 23, 2019
- 2 min read

Photo: PBA
Dinaluhan ng halos lahat ng players ng Philippine Basketball Association ang 2nd round ng Players Development Program noong Lunes sa Meralco Theater.
May kabuuang 173 mga manlalaro ang nakinig sa may tatlong oras na lecture hinggil sa mga paksa ng prejudice, bullying, violence against women and children, annulment at iba pang bagay na tinalakay nina Atty. Ariel Magno at Dr. Jasmin Nario Galace, ayon sa ulat ng PBA.
Pangunahing tinalakay ni Dr. Nario- Galace ang hinggil sa prejudice, equality at diskriminasyon lalo na ang peligrosong hatid ng pambu-bully sa panahon na ito. Siya ang pinuno ng Education Association of the Philippine’s Justice and Peace Educational Committee at miyembro ng Advisory Council ng International Action Network on Small Arms (IANSA).
Samantala, tinalakay din ni Atty. Magno ang hinggil sa bigamy, concubinage at divorce. Ang dating Sta. Lucia representative to the PBA Board ay nagbanggit din sa forum ng ‘Bawal Bastos’ Law na nagtatakda ng mas mabigat na multa sa magkakasunod na ‘acts of sexist slurs, catcalling, stalking at cyberstalking.
“Kaya may mga ganyang batas is for you guys to respect and honor your partners, “ayon kay Magno sa harap ng PBA players hinggil sa bagong batas na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte. “If you are guided by the law and you follow the law, hindi kayo magkakaproblema,” dagdag ni Atty. Magno. Si League Commissioner Willie Marcial ang nagbigay ng opening remarks. “Katulad ng sinabi ko kanina malaking tulong ito sa mga players ast kung may problema man, puwede silang lumapit sa amin (PBA) at puwede kaming makatulong sa inyo,” ayon kay Marcial.
Ito ang ikalawang Players Development Program ng liga ngayong season at hindi pa tiyak kung kailan muli ang ikatlong sesyon. “Tingnan natin. Ang sa akin kung ano ang nararapat na gawin na programa para sa mga players hindi tayo titigil para tulungan sila,” saad ni Marcial.




Comments