Mga lahok sa 6th Pasay Racefest, malalaman na

Inilabas na ang mga pangalan ng mga kabayong kalahok sa 6th Pasay-The Travel City Racing Festival sa Nob. 3 sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.
Tampok ang 6th Pasay- ‘The Travel City’ Cup, na paglalabanan ng local at imported na mananakbo na Certain to Win, Garantisado, Gomper Girl, Metamorphosis, Pangalusian Island, Scarborough Shoal, Sooner Time, Stella Malone, Truly Ponti, Und Kantar at Victorious Colt.
Tatawirin ng mga kalahok ang 1,600 meters na bukas sa 4 year old and above na may papremyo na P.7 milyon sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Susunod ang 6th Tony Calixto Cup na tatawid sa 1,600 meters na distansiya at naghihintay ang premyong P700,000 sa unang apat na makatatawid sa finish line. Lalahukan ng Boss Emong, My Jopay, Patong Patong, Refuse to Lose, Shanghai Grey, Toy for the Big Boy at The Accountant.
Walong kalahok ang maglalaban sa 5th Eduardo ‘Duay’ Calixto Cup na bukas sa lahat ng 3 year old na imported na kabayo. Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Harapin Mo, Joyous Solution, Mark of Excellence, Miss Campbell, Queensboro, To It’s Bing, Top Attraction at Union Run. Ang pakarera ay may papremyong P300,000 na paghahatin ng unang apat na unang makatatawid sa finish line.
Samantala, walong karera ang bibitiwan ngayong gabi sa pag-alagwa ng Additional One Win in Group Races sa Metro Turf Malvar, Batangas.
Sa Race 1 unang nagaganap ang 1st 5 at ipinapatok ang Cleave Ridge at panegundo ang Superlative, isama ang Real Steel sa Trifecta.
Magsisimula ang Winner Take All sa Race 2 at ipinapatok ang Shining Shelltex habang sa Race 3 labanan ng 2 year old maiden race at maglalaban sina Lucky Laura at Four Strong Wind na umpisa ng Pick 6. Sa Race 4 magaganap ang 2nd Pick 5 at nakalalamang ang Jade Master at magsisilbing kalaban ang Camorra.
Magsisilbing paratingan para sa Pick 4 ang Taranasakalyos, Couple Entry na I love Henry at Palace in the Sky at paglalabanan ng Ginuhit ng Tadhana, Old Timer at El Mundo sa Race 6.
Ipinapatok ang Unlimited Song sa Race 7 habang makakalaban ang Alezzandro at Electric Dreams at magsisilbing parating ang Crown in my Head at Bullish Desire sa Race 8.





Comments