Horoscope | Oktubre 23, 2019 (Miyerkules)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 23, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 23, 2019 (Miyerkules): Napakalakas ng iyong personalidad at ito ang lihim na dahilan kung bakit nakababangga mo ang kapwa mo malakas.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong pansinin ang mga sumasalungat sa iyo dahil wala silang mabuting maitutulong sa iyo. Kahit ano ang gawin mo, palagi silang kokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mo kung ano ang kaya mo at ipakikita ng langit kung ano ang Kanya. Ito ay nagsasabi na ang mga suwerte ay mapasasaiyo kung kikilos ka para sa pangarap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-24-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, pero ang mga karibal mo ay kakapusin ng buwenas habang nakikipaglaban sa iyo, ganyan ka kamahal ng nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-13-18-21-23.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil ayaw sumunod ng tao sa mga gusto mo. Siya ang dapat mahirapan at magdusa dahil mas mapalad ka kesa sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-27-30-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang nakatutok sa isang tao na hindi ka naman pinahahalagahan. Dapat kang magising sa katotohanang nagsasayang ka lang ng mahahalagang panahon sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Okay lang kung may magsabi sa iyo na wala kang plano sa buhay mo. Ang hindi nila alam may plano sa iyo ang langit kung saan sa huli ay hahangaan ka at kikilalanin ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-29-31-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang sarili mo dahil ito ang tunay na sikreto ng tagumpay. Ito rin ay lihim na ginagawa ng mga kasalukuyang nagtatagumpay at nagtagumpay na sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-20-21-25-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon mo na kailangang ilabas ang iyong nakatagong lakas ng kalooban. Kahit gaano kaganda ang mga alahas, wala itong saysay kung palaging nasa lalagyan lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-16-21-23.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang pagsulong ng mundo at lalong nagiging moderno sa kabila ng katotohanan na may gabing madilim. Huwag mong isipin na negatibo sa iyong buhay ang dilim. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Palihim na nagtataka ang mga kaaway mo dahil gumaganda ang buhay mo kaysa sa kanila dahil ayon sa kanila, mahina ka at sila ay mas mahusay kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-18-22-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo na may mga pagkukulang ka. Ang may pagkukulang ay nadaragdagan. Isa itong sikreto ng mga umaasenso at patuloy na yumayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-10-15-16-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa sa iyo, paramihin mo. Ang munting butil ng palay ay dumarami kapag itinatanim. Hindi ito mahirap gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-21-46.




Comments