top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Overworked ka na ba, besh? Mga dahilan kung bakit oks lang na tamad-tamaran kung minsan

Jersey Sanchez
Oct 22, 2019
2 min read

For sure, may mga araw na tila ayaw nating bumangon para pumasok sa trabaho, paaralan o gawin ang mga errands. Para sa iba, hindi ito oks dahil anila, katamaran ito, pero sa totoo lang, walang problema ru’n. Kung pakiramdam mo ay kailangan mo ng “day-off” o mag-relax pagkatapos ng nakapapagod na linggo, go lang at huwag kang manghinayang.

Narito ang ilang dahilan kung bakit oks lang magkaroon ng “unproductive days”:

1. OKAY LANG MAG-RELAX. Kung ayaw mong maging hobby ang pagre-relax, sigurado na lalong ayaw mong maging forever workaholic. Bes, okay lang mag-relax paminsan-minsan dahil deserve mong i-enjoy ang sarili mo. Gayundin, deserve mong magkaroon ng buhay sa labas ng iyong career.

2. MAPANGANIB ANG STRESS. Alam na nating lahat ito at bagama’t, hindi ito naiiwasan, hindi mo dapat hayaan na lamunin ka ng stress. Huwag mong kalimutan ang mga responsibilidad mo, pero huwag mo ring kalimutan na ang pag-aalaga sa sarili ay responsibilidad din. Tandaan, hindi puwedeng isantabi ang mental health para magpokus sa ibang bagay dahil kapag pinabayaan ito, lalo kang lalamunin ng stress.

3. PUWEDE KANG TUMANGGI. ‘Ika nga, you can’t please everyone at hindi lahat ng bagay ay dapat mong tanggapin. Halimbawa, hindi mo kayang tulungan ang katrabaho mong humihingi ng pabor, oks lang tanggihan ito dahil karapatan mo ‘yun. Huwag kang tumanggap nang tumanggap kung hindi pabor sa kalooban mo. Okay?

4. MARAMING ORAS PARA ABUTIN ANG GOALS. For sure, nararamdaman mong tumatanda ka na, idagdag pa ang pressure dahil nakikita mong successful na ang mga taong nakapaligid sa iyo kaya dapat ay ganu’n ka rin. Besh, huwag kang mag-alala dahil lahat tayo ay may kani-kanyang timeline sa pag-abot ng mga pangarap, gayundin, hindi dapat madaliin ang pagtatagumpay. Kung successful na ang mga taong kilala mo, good for them, pero huwag kang magpadala sa pressure dahil you will have your turn.

5. DESERVE MONG MAGKA-REWARD. May mga “lazy days” talaga kung saan pagkatapos ng napaka-busy at nakakapagod na araw, ito na ang kasunod. Huwag kang mag-alala dahil minsan, deserve mo ito, lalo na kung todo-kayod ka nu’ng mga nakaraang araw. Ituring mo itong “day-off” o “me time”.

6. HINDI KA MACHINE. Hindi lahat ng araw ay productive dahil tao ka at hindi machine na trabaho nang trabaho. ‘Yung machine nga, pinagpapahinga, tao pa kaya? Hmmm… kaya kung may pagkakataon ka, go lang, magpahinga ka dahil tulad ng machine, ‘yun ang kailangan mo para mag-function ulit.

Mga bes, it’s okay to have unproductive days dahil sa totoo lang, deserve natin ito. Magpahinga kung kinakailangan at huwag dedmahin ang pagod upang hindi ito pagsisisihan pagdating ng panahon. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page