top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

May ibang babae ang mister, sign na kulang sa romansa

Socrates Magnus
Oct 22, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Wen ng Wen_Rivera@face-book.com

Dear Professor, Napanaginipan ko ‘yung partner ko na may mga katrabahong babae, pero sa totoong buhay, puro lalaki ang kasama niya. Napansin ko na may something ‘yung partner ko at ‘yung isang babae, nagtitinginan sila at hinihiram nu’ng babae ‘yung cellphone niya at alam ‘yung password. Ikinuwento rin ng isa pa niyang katrabaho na noong birthday ng ate ng partner ko ay nandu’n ‘yung babae at niyaya pa silang mag-inuman. Tapos, tinanong ko ‘yung nakakuwentuhan ko kung may contact siya sa babae at ibinigay niya sa akin ang buong pangalan. Tapos, hinanap ko ‘yung Facebook niya at nakita ko na may picture sila ng partner ko at may kasamang bata na medyo malaki na. Galit na galit ako kaya umiyak ako, pero hindi alam ng partner ko na may nalaman ako. Hinintay kong matapos ang trabaho niya para komprontahin siya. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay, Wen

Sa iyo Wen, Dumarating sa buhay ng mag-asawa na parang nanlalamig ang isa at naghahanap ng iba.

Hindi rin maiiwasan na habang tumatagal ay nawawala ang sweetness sa isa’t isa.

Kitang-kita sa panaginip mo ang tinatawag na “seven years itch” sa marriage life. Ang seven years ay puwedeng maging six o mas mababa pa dahil ang ibig sabihin ng mga eksperto ay ang pag-ibig ay hindi palaging masaya.

Huwag kang mag-alala dahil hindi sapat ang seven years itch sa marriage para tuluyang maghiwalay ang mag-asawa. Ang “itch” ay itch lang at hindi malalang sakit o pakiramdam.

Gayunman, kailangan mong gumawa ng paraan upang maibalik ang inyong sweetness. Huwag kang masyadong magselos dahil sa iyong panaginip.

Mas mabuting ipakita mo sa iyong asawa na siya ay nananatiling mahalaga sa buhay mo. Gayundin, ipadama mo sa kanya na palagi mo siyang nauunawaan.

Huwag mo rin kalilimutan na ang natutuyong halaman ay muling mananariwa at namumulaklak kapag muling dinidiligan ng tubig.

Ibig sabihin, diligan mo ng pag-ibig ang iyong buhay-may asawa at iwasan mong diligan ng galit.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page