top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Oktubre 22, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Oct 22, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 22, 2019 (Martes): Itinalaga ka sa matataas na puwesto dahil isinilang ka para hu­mawak ng mga tao. Sa ga­nitong pa­raan, ikaw ay mag­kakaroon ng maunlad na buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hu­wag kang makipagsosyo kung hindi ikaw ang mamamahala. Hindi ka tatama kapag ikaw ay su­nud-sunuran lang sa iyong ka­sosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-38-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagkaka­loob sa iyo ang kara­patang pa­mu­nuan ang grupo kung saan may malaking papel kang gagampanan para ma­ka­rekober at umabante nang todo ang iyong pinag­li­ling­kuran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-12-25-34-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipagdamot ang iyong maga­­gandang ideya para sa ka­­pa­kanan ng nakararami. Ang totoo, ikaw ay isang imbakan ng mga kakaibang pormula na makatutulong sa tao. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-23-35-36.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo papansinin ang mga kahinaan at pagkukulang dahil ang oportunidad na madaragda­gan ang kinikita mo ay ipag­kakaloob sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-3-14-17-25-27-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bu­ma­baba ang pagkatao mo dahil hindi mo magawang itago ang perso­nal mong buhay. Huwag mong kalimutan na ang pan­sariling buhay ay dapat na sa iyo lang at hindi para sa la­hat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-20-28-30-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ang bu­hay mo ngayon at muling aangat sa malapit na hinaharap. Kumikilos ang iyong kapa­laran para maiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-26-27-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit ka ng kapalaran mo sa mga may si­nasabi at may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay. Hindi mauubos ang mga tao na handang mag­lingkod at magpaalipin sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-14-25-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naiinis ka kapag ikaw ay pinapanguna­han. Ang magandang balita na maaaring hindi mo pa­ni­walaan ay nagsasabing, siya ang magsisilbing pam­pasuwerte mo sa mahabang mga araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-20-22-24-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang maitutu­long sa iyo ng mga hindi mo tinanggihan noon. Mararanasan mo ang nakatutuwang kasabihan na rito sa mundo, ang bu­hay ay pagtutulungan nang wagas. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-6-11-14-26-31-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lakasan mo ang loob mo. Kapag ma­lakas ang loob mo, ang mga suwerte ay maaakit mo upang dumapo sa buhay mo at hindi ka iiwanan mag­pakailanman. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-25-26-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang ma­saya kahit may mga problema kang di­na­dala. Mula noon, kapag ma­saya ka, ang magagan­dang bagay ay nagdaratingan sa iyong harapan. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lot­to-16-18-21-23-32-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang su­suwertehin, hin­di man kalaki­han at hindi rin gaanong karamihan, sapat na para masabi mo na ang langit ay nagpapahalaga sa iyong mga panalangin at kahili­ngan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-20-23-28-39-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page